^

Pang Movies

Pacman patitigilin na naman ang oras ng mga Pinoy

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tahimik ang buong bansa ngayong Linggo dahil muling mapapanood ang laban ng ating Pambansang Kamao Manny Pacquiao kay Chris Algieri mula sa Macau. Bukod sa live itong mapapanood sa GMA Network at 10:00 a.m., ipi-feature rin siya mamayang gabi sa Kapuso Mo Jessica Soho dahil personal na pumunta roon ang award winning broadcast journa­list na si Ms. Jessica Soho para mapanood ang laban at ma-interview si Pacquiao.

Let’s pray na muling iuwi ni Manny ang karangalan para sa Pilipinas.

Marian at Dingdong hindi na maisingit ang mga offer na libreng pre-nup shoot

Marami pa palang nag-o-offer ng bridal shower kay Marian Rivera at photo shoots sa kanila ni Dingdong Dantes para sa kanilang pre-nuptial video na ipalalabas sa GMA-7 bago ang wedding nila sa December 30 sa Cathed­ral of Immaculate Conception in Cubao. Pero tumanggi na ang mga ikakasal dahil hindi na kaya ng kanilang schedules. A photographer friend ni Dingdong at kasama niya sa mga Ducati race nila ay nag-offer na i-shoot sila sa Ducati track, pero tumanggi na ang groom-to-be dahil gipit na nga sa oras. Biro na lamang ni Dingdong kay Lito Sy, after na lamang ng wedding dahil he will marry Marian everyday para they can shoot anytime. May schedule pa kasi ng shoo­ting si Marian ng cameo role niya sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 na tampok sina Dingdong Dantes at Isabelle Daza for the 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.

Andre bumilib sa mga nakalaro ng basketball na may kapansanan

Inspired si Andre Paras sa pagganap niya sa The Half Sisters with Barbie Forteza, lalo ngayong nominated siya sa PMPC Star Awards for TV for the Best New TV Personality Category for his fine performance sa afternoon prime ng GMA-7. Mamayang gabi na magaganap ang awards night at dadalo si Andre, win or lose daw siya.

Noong birthday niya, pinili ni Andre na i-celebrate ito with the children ng Tahanang Walang Hagdanan kung saan nakipaglaro pa siya ng basketball sa kanila habang nakasakay din sa wheelchair. Humanga si Andre sa mga batang may kapansanan dahil mga tao lamang na may strong upper body ang puwedeng maglaro ng basketball na nakasakay sa wheel chair.

KC naghahanap ng bansang pagpapaskuhan

Nag-post si KC Concepcion sa kanyang Instagram (IG) account while in Los Angeles, California with friends ngayon. Trying to move on si KC after her Mamita Elaine Cuneta passed away. At post din niya na “I wonder where my family and I will be spen­ding Christmas this year. It’s gonna be our first Christmas away from the Philippines.”

Natatandaan namin na every year, after Christmas, paboritong puntahan ni Sharon Cuneta and her family ang Thailand parang second country na niya. Bumabalik lamang sila before her birthday dahil usually may free concert siya as a gift for her fans sa patuloy sa pag-support sa kanya. Sa Thailand daw kasi, libre siyang nakapaglalakad at nakapupunta sa paborito niyang lugar na hindi siya nakikilala. Doon pa rin kaya pupunta this Christmas si Sharon and her family?

vuukle comment

ANDRE PARAS

ASWANG CHRONICLES

BARBIE FORTEZA

BEST NEW

CHRIS ALGIERI

DAHIL

DINGDONG DANTES

DUCATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with