^

Pang Movies

James at ex na si Ericka panget ang naging hiwalayan

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang babata pa ng bida sa latest offering ng Spring Films na Relaks, It’s Just Pag-ibig na sina Julian Estrada, Sofia Andres, Ericka Villongco, at Iñigo Pascual pero ang dami nilang rebelasyon sa presscon ng pelikula na ginanap last Thursday night.

Si Ericka, revealed na ex-boyfriend niya si James Reid at katatapos lamang ng kanilang tatlong taon na relasyon. She was 19 nang magsimula ang kanilang pagmamahalan at siya ang kasama ng hunk actor during his struggling days.

Too bad, ngayong sikat na si James, split na sila at wala na siya sa tabi ng young actor para makabahagi ng tagumpay nito.

Pero kahit wala na sila, happy daw siya sa success na tinatamasa ngayon ng ex-boyfriend.

“I’m very, very proud of him because I was there for him nung you know, right when he was struggling, when he didn’t know what to do, nung nagta-Tagalog lessons pa siya, and ‘yun, to see him successful and doing what he loves for his family, not for himself, I’m very happy for him,” sabi ni Ericka.

Nang tanungin what went wrong sa kanilang relasyon at humantong sa break-up, aniya, “I wouldn’t say naman po na it was a bad break-up but it wasn’t a good break-up in a way.

“But siguro, life had to happen and we wanted to focus on ourselves, on his career and on myself, I wanted to go back to school.”

Pero hindi na sila friends?

“Ah, no, we’re not friends,” she said.

Julian inaming six months silang nag-on ni Julia Barretto

Si Julian Estrada naman ay napaamin na nagkaroon sila ng relasyon ni Julia Barretto. Tumagal lang daw ng six months ang kanilang relasyon pero ayaw na niyang idetalye ang dahilan ng break-up.

Pero okay naman daw sila ngayon at friends naman daw sila. Happy siya sa nangyayari sa career ngayon ng young actress. Naka-move-on na rin daw siya sa break-up.

Natanong din siya kung ano ang pakiramdam niya ngayon na maganda nga ang career niya, may pelikula siya na malapit nang ipalabas pero ang ama naman niyang si Sen. Jinggoy Estrada ay may pinagdada­naang problema ngayon at hindi makakapanood ng movie niya dahil nga kasalukuyan itong nakakulong sa Camp Crame.

“I know naman and Lord knows that he’s innocent and we believe that he will get out of jail soon and I always pray for him every night,” sabi ni Julian.

Dadalhan na lang daw niya ang daddy niya ng kopya ng DVD ng Relaks It’s Just Pag-ibig na showing na sa Nov. 12 sa mga sinehan.

Wansa back to back ang special episode

Back-to-back na Halloween special episodes ang mapapanood sa Wansapanataym ngayong Araw ng mga Patay at Kaluluwa (Nobyembre 1 at 2).

Sa episode na OMG: Oh My Ghost na ipalalabas sa Sabado, gagampanan ng Kapamilya star na si Ejay Falcon ang karakter ni Homer, isang binata na hindi naging tapat sa kanyang kasintahan na si Trina (Empress). Dahil sa kanyang panloloko, tuturuan si Homer ng leksyon ng kaluluwa ni Claire (Lara Quigaman), isang babae na minsan nang sinaktan ng lalaki na kanyang pinakamamahal.

Si Bugoy Cariño naman ang bibida sa Wansapanataym sa Linggo sa episode na pinamagatang My Mumu.

Bibigyang-buhay ni Bugoy ang karakter ni Luis, isang bata na mapapalapit sa multo na si Javier (Philip Nolasco).

 

vuukle comment

BUGOY CARI

CAMP CRAME

EJAY FALCON

JULIA BARRETTO

JUST PAG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with