^

Pang Movies

Kim Chiu aminadong hindi maka-perfect sa mga eksena, laging may ulit

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Kim Chiu, mas nahirapan siya talaga sa book 1 ng Ikaw Lamang bilang Isabelle kaysa sa karakter niya ngayon sa book 2 bilang Jacq/ Andrea.

“Hindi ko kayang maging prim and proper, anak-mayaman, ‘yung hindi makabasag-pinggan. Hindi ko talaga kaya ‘yung ganu’n, so parang si Direk, “ulit, isa pa”, ‘yung ganu’n. So, sabi ko, nakakahiya naman sa kanila, uulit tayo nang uulit. Tapos iyak nang iyak, maya’t maya, iyak.

“Tapos ‘yung kay Jacq, sobrang dali kasi, parang sa totoong buhay lang, ganu’n-ganu’n lang, saya-saya lang, parang adli­b-a­dlib. Tapos ngayon, medyo halo na ngayon kasi patapos na,” sabi ni Kim.

Ang laki ng pasasalamat ni Kim sa Dreamscape Productions sa pagbibigay sa kanya ng ganitong klaseng role at sa pagkakataong makatrabaho ang mga magagaling na artista sa halos isang taong pagsasaere ng Ikaw Lamang.

“Itong Ikaw Lamang, ang dami kong nakatrabahong artista, 34 (stars) kami dito. So, ‘yung 33 na ‘yun, sobrang honored ako na makatrabaho silang lahat sa isang show,” say pa ni Kim.

But more than anything else, ang dami-dami raw niyang natutunan sa seryeng ito lalung-lalo na sa kanyang leading man na si Coco Martin.

“’Yung dedication niya sa trabaho, iba. Pag nakita n’yo siya sa set, parang hindi siya ‘yung normal na Coco na nakakakwentuhan mo, nakakatsika mo, iba. Nandu’n ‘yung professionalism na parang sabi ko, “ay pwede pala ‘yung ganito”.

“Tapos minsan, tatahimik na lang ‘yan. Tapos magpapasabog na lang ‘yan pag eksena na. Kaya pala siya nagko-concentrate du’n sa malayo kasi may gagawin pala siyang kakaiba. Tahimik lang siya, hindi mo siya makakausap. Pero pag eksena niya, ‘yun na pala ‘yun.

“Ang galing. Ang dami ko talagang natutunan dito. Hindi lang ‘yung basta umarte ka, kundi ‘yung involved ka sa lahat, sa kabuuan. Hindi naman masamang magbigay ng opinyon,” she said.

Samantala, nabanggit ni Coco na nagpapagawa ng bagong bahay si Kim at nang tinanong namin ito sa young actress ay inamin naman niya.

Say niya, dumami na rin daw kasi sila ngayon kaya kailangan na nila ng mas malaking bahay. Baka ibenta na lang daw niya ‘yung una niyang pinagawang house na kasalukuyang tinitirhan nila ngayon ng pamilya niya.

Mukhang bonggang mansyon na ang ipapatayo ni Kim dahil kinakantiyawan siya ni Coco tungkol dito.

Empress maraming insecursities

Ayon kay Empress, may mga pagkakataon din naman daw siyempre na nai-insecure siya sa mga kasamahang artista lalo na pagdating sa physical looks.

“Kasi, siyempre, nandito tayo sa industriya na maraming magaganda, so, mako-compare mo talaga ‘yung sarili mo, hindi mo maiiwasan ‘yun,” say ni Empress sa presscon ng Beauty in a Bottle kung saan ay kasama siya sa cast.

“Maraming mas maganda sa ‘yo, maraming mas sexy sa ‘yo. So, ikaw, ang dami mong nahahanap sa sarili mo na mali kahit na hindi naman dapat,” she said.

Pero ang maganda kay Empress, she finds ways para ma-improve rin naman ang kanyang sariili at hindi naman siya nagpapabaya when it comes to her physical looks.

Ang daming pumupu­ri sa young actress dahil mas maganda siya ngayon at mas sexy. Kung dati ay parang nene pa ang hitsura niya, ngayon ay nagiging sakto na ang form ng kanyang figure at mas sexy na.

Kamakailan nga ay napanood namin ang sexy opening number ni Empress sa Banana Split at pinainit niya talaga ang gabi ng mga manonood sa pagka-hot ng kanyang dance number.

Huli namang napanood si Empress sa guesting niya sa ABS-CBN’s Ipaglaban Mo last Saturday, Oct. 18 kung saan ay gumanap siya bilang babaeng obsessed sa kanyang partner na ginampanan naman ni Rayver Cruz.

vuukle comment

AYON

IKAW LAMANG

LANG

NAMAN

NIYA

SIYA

TAPOS

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with