^

Pang Movies

Richard gustong ipasa ang ‘korona’ kay Dennis

- Vinia Vivar - Pang-masa

Para kay Richard Gomez, puwedeng-puwede raw na pumalit sa kanya ang co-star sa The Janitor na si Dennis Trillo bilang King of Bench fashion show.

Matatandaang si Goma ang first celebrity endorser ng Bench and for the longest time ay namayagpag talaga siya sa mga fashion show ng naturang clothing apparel.

Pero sa The Naked Truth ay hindi rumampa si Goma at mas pinili na lang na manood kasama ang asawang si Lucy Torres at napanood nga niya si Dennis na rumampa.

“Kayang-kaya ni Dennis (na maging King of Bench). Kaya nga umupo na lang ako at nanood kasi gusto kong makita kung ano ang ginagawa nila sa stage,” say ni Goma sa presscon ng The Janitor kahapon.

Tulad ni Goma, wala rin daw kasing arte si Dennis at masarap daw kasama ang ganitong klaseng artista.

First time nga lang niyang nakasama ang aktor sa pelikula at say niya nagustuhan niya itong katrabaho.

“Number one, mabait siya, he’s always there on the set. Kung ano ‘yung demands ng director, i­binibigay niya, kung ano ang demands ng character niya, ginagampanan niya. It’s really nice to work with Dennis and hopefully in the future, makatrabaho ko siya ulit,” say ni Goma.

Si Dennis naman ay hindi itinago ang paghanga niya para kay Goma. Idol niya pala ang aktor simula pa noong bata pa siya at lahat daw ng pelikula nito ay pinapanood niya.

“Nung nalaman kong magkakatrabaho kami ni Mr. Richard Gomez, talagang kinabahan ako nung araw na ‘yun dahil mula noon pa lang, pinapanood ko na at hinangaan ko na ang mga ginawa niyang pelikula and para makatrabaho siya sa isang proyektong ito ay napakalaking honor sa akin,” say ni Dennis.

Ayon pa sa aktor, nasabi na rin niya nang paulit-ulit ito sa mga past interviews niya.

“Isa siya sa mga artistang mai-starstruck ka talaga ‘pag nakita mo. Sa physique niya, Adonis talaga, eh. Kaya kahit sinong lalaki manliliit talaga kapag nakita siya, napakalaki pa niyang tao,” dagdag pa ni Dennis.

Ang indie film na The Janitor ay matatandaang official entry sa 10th Ci­nemalaya Independent Film Festival, Director’s Showcase category. Umani ito ng magagandang reviews at nag-uwi ng ilang major awards mula sa festival kabilang na ang Best Director, Best Screenplay, Best Sound, Best Editing, at Best Supporting Actor.

The film will be released by Star Cinema kaya mapapanood na natin ito sa mga sinehan nationwide ngayong October 8. Produced by APT Entertainment at mula sa direksyon ni Mike Tuviera, kasama rin sa movie sina Derek Ramsay, Nicco Manalo na nanalong Best Supporting Actor, Ricky Davao, Irma Adlawan, Dante Rivero, Ynez Veneracion, Sunshine Garcia, Alex Medina, at marami pang iba.

Goma ipinagtanggol si Coco, ‘di raw dapat mag-sorry dahil walang kasalanan

Speaking of The Naked Truth, ayon kay Goma ay wala naman daw siyang nakitang anything offensive sa fashion show kaya wala naman daw dapat ikaalarma o maging issue tungkol dito tulad ng mga naglalabasan ngayon.

“Eto, this is my opinion. Alam naman nating malapit na ang eleksyon, so ‘yung mga party-list group, sila ‘yung maiingay, naghahanap ng issue. Ganu’n lang kasimple ‘yun,” pahayag ni Goma.

Say pa niya, “eh papano kung ‘yung lalaki ang itinali natin, ‘di ba? Mayroon bang rightist group para sa mga lalaki? It’s a show, ‘di ba? It’s a circus,” pahayag pa ng aktor.

Hindi rin daw dapat mag-sorry ang Bench or si Coco Martin.

“Walang dapat mag-sorry. Maraming importanteng bagay na dapat nating bigyan ng focus. Eto, ine-entertain nila tayo, pinapakita nila kung ano ba ang fashion for the coming season. ‘Yun lang naman.”

Kung sa kanya ba ipagawa ang ginawa ni Coco, gagawin niya?

“Gagawin ko rin,” mabilis niyang sagot.

Kaya sana raw ay tumigil na ang mga nakikisawsaw  na nag-iingay.

“Bench is a good brand, Bench is helpful to a lot of people, Bench is one of the biggest in the fashion industry, Bench is doing this for us,” say pa ni Goma.

vuukle comment

ALEX MEDINA

BENCH

BEST SUPPORTING ACTOR

DENNIS

GOMA

KAYA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with