^

Pang Movies

Michelle Madrigal may launching movie na

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sampung taon na sa showbiz si Michelle Madrigal at ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na magbida sa pelikula. Maganda ang pelikulang Bacao at magaling pa ang direktor nito na si Edgardo “Boy” Vinarao. Tailor-made kay Michelle ang karakter na gagampanan kung saan gustung-gusto niyang magkaanak at magkaroon ng malaking pamilya pero hindi nagkaroon ng katuparan gayung wala naman silang problemang mag-asawa.

 Ano ang reaksyon niya nang malamang magbibida na siya?

“Kinabahan po ako nung una pero magaling na director si Direk Boy at inalalayan niya ako sa maraming eksena,” sabi ni Michelle.

May rape scene ang aktres dahil pinagsamantalahan siya ng albularyo na si Leo Martinez at kumpare nito sa pelikula.

Pangarap ng aktres na maging isang action star at may background naman ang aktres sa martial arts. Pangarap niyang masundan pa ang kanyang launching movie at type na makapareha sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

Higit na maganda ngayon si Michelle at may bagong inspirasyon sa buhay.

 Kumusta naman si Michelle bilang artista mo? tanong namin sa direktor.

“Magaling siyang artista. May lalim ang akting. Wala akong problema dahil madali siyang makasunod sa mga instructions ko. Higit sa lahat, professional si Michelle at wala akong naging problema sa kanya. Maaga pa nasa set na ito at memoryado na ang linya,” ani Direk Vinarao.

Naniniwala ang mga baguhang producers ng Bacao na Oro de Siete Productions sa kanilang proyekto na isa sa four entries ng Sineng Pambansa Horroplus Film Festival na mapapanood sa piling SM Cinemas. Magsisimula itong mapanood sa October 29.

vuukle comment

DIREK BOY

DIREK VINARAO

HIGIT

JOHN LLOYD CRUZ

LEO MARTINEZ

MICHELLE

MICHELLE MADRIGAL

PANGARAP

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with