^

Pang Movies

Papa Manny deadma sa pang-ookray ni Bb. Mayweather!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang teammates ni Congressman Manny Pacquiao sa Kia, ang bagong basketball team sa PBA, ang mga bisita niya kahapon sa dedication ng kanyang bunsong anak na si Israel.

Ginanap ang dedication sa General Santos City, ang balwarte ng mga Pacquiao. Mula sa Maynila, lumipad sa GenSan ang teammates ni Papa Manny para sa dedication ng youngest son nila ni Jinkee Pacquiao.

Nagpunta rin sa GenSan ang crew ng mga major television network para sa coverage ng dedication.

Nabigo ang mga reporter na nag-interbyu kay Papa Manny na makakuha ng quotable quotes dahil hindi niya tinarayan si Bb. Floyd Mayweather, Jr.

Malulungkot si Bb. Floyd kapag nalaman nito na hindi pinatulan ni Papa Manny ang kanyang mga kabaklaan at pagtataray.

Need ni Bb. Mayweather, Jr. na mag-isip ng ibang gimmick para mapag-usapan siya.

John Prats nagpasahod ng 350 katao para sa pagmamahal kay Isabel

Mali ang mga report na 300 dancers ang kasali sa flash mob noong gabi ng marriage proposal ni John Prats kay Isabel Oli sa Eastwood Mall, Libis.

Nanggaling ang correction kay John na nagsabi na 350 at hindi 300 dancers ang kasama niya na sumayaw sa kanyang  surprise marriage proposal kay Isabel.

Big-budgeted ang marriage proposal dahil sa talent fees ng mga dancer at fireworks display na binayaran ni John, alang-alang sa pagmamahal niya sa kanyang future bride.

Nakatakda early next year ang altar date ng dalawa pero wala pa silang announcement sa exact date at venue.

Parang true love na ang nararamdaman Andi ‘di kayang kalimutan ang anak ni Erap

Cry me a river kahapon si Andi Eigenmann sa TV dahil na-hurt siya sa ginawa sa kanya ng boyfriend na si Jake Ejercito.

Pero nasaktan man, hindi tuluyang isinasara ni Andi ang pinto para kay Jake dahil sa salita na binitiwan niya.

Malaki ang pag-asa na magkabalikan ang dalawa kung susuyuin ni Jake ang kanyang nag-e-emote na girlfriend na nililigawan naman ng isang aspiring actor.

Between Jake at sa aspiring actor na nababanggit lang ang name dahil kay Andi, boto pa rin kay Jake ang marami.

Nag-request pa ang iba na ilapit ang venue sa Manila ipina-auction ni Marian na mga damit pinagkaguluhan

Hindi ako magugulat kung sold out kahapon ang mga damit na ipina-auction ni Marian Rivera sa isang hotel sa Clark, Pampanga.

Bago pa at hindi masyadong nagamit ni Marian ang mga bonggang damit na ipinagbili sa murang halaga. Ibibigay ni Marian sa charity ang proceeds ng auction na bihirang mangyari.

Masyadong malayo para sa fans ni Marian ang venue ng auction. May request sila na ulitin ang auction sa isang lugar sa Metro Manila para madali nilang mapuntahan. Para sa fans, collector’s item ang lahat ng mga damit na dinispatsa ni Marian.

Heart ayaw patulan ang pagkukumpara sa kanila ni Marian

Sobra-sobra rin ang mga damit ni Heart Evangelista na hindi na nito ginagamit.

Tulad ni Marian, puwedeng ipa-auction ni Heart ang kanyang mga personal na gamit.

Dedma si Heart sa pagkukumpara sa kanya kay Marian. Knowing her, madali sa kanya na ipa-auction ang mga gamit para lumuwag ang closet niya.

At kapag ipina-auction ni Heart ang personal things niya, tiyak na hindi na naman siya tatantanan ng mga intriga at ng kanyang mga basher.

vuukle comment

ANDI

AUCTION

JOHN PRATS

KAY

MARIAN

PAPA MANNY

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with