^

Pang Movies

Kaya pinayagang magpa-MRI, Jinggoy madalas inaatake ng sakit sa balikat at leeg

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bukas pa ako dadalaw kina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center sa Camp Crame kaya bukas ko pa malalaman ang dahilan ng madalas na pagsakit ng balikat at leeg ni Papa Jinggoy.

Pinayagan si Papa Jinggoy ng Sandiganbayan Fifth Division na lumabas ngayon sa Camp Crame at magpa-check up sa Cardinal Santos Medical Center.
Sasailalim si Papa Jinggoy sa magnetic resonance imaging o MRI para matukoy ng doktor ang ugat ng pananakit ng kanyang balikat at leeg. May duda ako na stress-related ang mga discomfort na nararamdaman ni Papa Jinggoy.

Kailangan niya ng body stretching at deep tissue massage o myotherapy. O ‘di ba, parang physical therapist na ako dahil sa mga nalalaman ko tungkol sa epekto ng stress?

 

Derek willing makipag-ayos sa dating asawa kahit sinira-siraan pa siya

Willing si Derek Ramsay na magkaroon ng amicable settlement sa kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly, alang-alang sa kapakanan ng kanilang anak. Hindi maramot na tao si Derek. Basta para sa mga mahal niya sa buhay, all out ang kanyang suporta. Wish ko lang, bigyan ni Jolly ng chance si Derek na mapalapit sa kanilang anak dahil karapatan ng bagets na matikman ang wagas na pagmamahal ng kanyang ama.

Nakabibilib si Derek dahil sa dialogue nito na dedma na siya sa mga mangyayari sa career niya dahil ang anak ang kanyang top priority.

 

Vhong nilinaw ang pagpapatalsik sa judge na pumayag pagpyansahin sina Cedric

May paglilinaw kahapon ang kampo ni Vhong Na­varro tungkol sa motion for inhibition na isasampa nila para kay Judge Paz Esperanza Cortes ng Branch 271 ng Taguig Regional Trial Court. Ang sey ni Atty. Alma Mallonga, walang kinalaman ang mga rumor tungkol kay Judge Cortes sa motion for inhibition na isinusulong nila para ibang judge ang humawak sa kaso ni Vhong.

Nakarating kasi sa kaalaman ng lawyer ni Vhong na may mga nagpapakalat ng mga walang katotohanan na balita na ibinibintang sa kanila. Idinagdag pa ni Atty. Mallonga na wanted pa rin ng batas ang ibang mga akusado sa grave coercion na isinampa ni Vhong. Any moment, puwedeng dakpin ng mga pulis ang mga akusado kapag natukoy ang kanilang mga kinaroroonan.

 

Mrs. Real, realistic pala ang ending

May mga request sa GMA 7 management na muling ipalabas ang ending ng Ang Dalawang Mrs. Real. Nanggaling ang request mula sa televiewers na hindi napanood ang pagtatapos ng top rating teleserye ng Kapuso Network dahil sa bagyo at habagat na nana­lanta sa Metro Manila at ibang panig ng bansa noong Biyernes.

Kahapon ko nalaman na mapapanood pala sa Youtube ang pagwawakas ng Ang Dalawang Mrs. Real pero 5-minutes lang at hindi ang buong episode. Marami ang nagsasabi na nagustuhan nila ang ending ng teleserye dahil realistic ito.

 

Wilma doesn’t niligwak sa Amazing Race

Luz Valdez si Wilma Doesn’t sa Season 2 ng The Amazing Race Philippines ng TV5. Nag-join sa audition ng reality game show ng TV5 si Wilma at ang kanyang male friend. Sa ka­sa­maang-palad, naligwak sila dahil hin­di naging advantage ang celebrity status ni Wil­ma. Mas marami ang mga ordinar­yong contes­tant  na nakapasa at naging official ra­cer sa second season ng reality game show ni Derek Ramsay.

 

vuukle comment

CENTER

DEREK

MRS. REAL

PAPA JINGGOY

SHY

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with