^

Pang Movies

Annabelle sinusuwelduhan ang pamilya para magtrabaho!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Annabelle Rama, siyempre naman daw ay may talent fee ang mga anak niya sa reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Isa si Annabelle sa producers ng show at bini­bigyan daw niya ng sweldo ang lahat ng family members na kasama.

“Hindi sila magtatrabaho nang walang bayad. Hindi aandar ang makina kung walang gas. Siyempre, may budget sila, no!

“Kung magkano ang tanggap nila per taping sa mga teleserye, ‘yun din ang makukuha nila sa amin.

“Pero ‘yung ibang family member na wala namang dialogue, wala ring sweldo. Allowance lang. Wala naman silang pagod, ‘di nagsu-swimming,” say ni Annabelle na ikinatawa namin.

“Kung sino ang masipag magtrabaho, ‘yun ang may sweldo. Pero ‘yung mga tatamad-tamad, ayaw mag-dialogue, wala talagang sweldo. Allowance lang.

“Kailangang paghirapan mo ang kikitain mo. Hindi basta sumama ka, may sweldo ka na. Diyan kami lagi nag-aaway,” dagdag pa ng Gutierrez matriarch.

Well, abangan na lang daw ang season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na magsisimula na sa October 5 sa E! channel para malaman natin kung sino ang ayaw mag-dialogue at ayaw mag-swimming.

Daniel nabiktima na naman daw ng paninira

Habang nananalasa ang bagyong Mario sa bansa last Friday, sa Twitter world ay nagkakagulo naman ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kasabay ng malakas na bagyo ay nagte-trending ang Kathniel love team sa hashtag na “walangbibitawkathniel”.

Base sa pagkakaintindi namin sa mga nabasa na­ming komento ng fans, may problema ang magka-loveteam at rumored sweethearts dahil may nanininira raw sa relasyon ng dalawa.

Diumano ay may naglabas ng isang audio recording kung saan ay maririnig daw ang boses ni Daniel na kausap ang mga barkada tungkol sa isang babae.

Base sa conversation ng magbabakarda na nabasa namin (hindi namin narinig ang audio pero may isang nagkwento sa Twitter kung ano ang nilalaman nito), may sinasabi si Da­niel na babaeng hinihintay niya ang tawag pero hindi naman nabanggit sa usapan kung si Kathryn iyon.

Nag-text daw itong girl at tinatanong kung nakauwi na ng bahay si Daniel. Maririnig umano sa audio recording na nagsalita ang young actor na “kinilig naman ang tumbong ko, men” referring sa pagte-text sa kanya ng girl.

May nagsasabi na ibang babae ang tinutukoy ni Daniel pero ang mga Kathniel fans ay naniniwalang si Kathryn ang girl.

May nag-post din ng larawan nina Daniel at Kathryn na mugtong-mugto ang mata at ang say ng mga fans, halatang ga­ling daw sa pag-iyak. ‘Di naman binanggit kung saan kuha ang larawan.

Katakut-takot ang komento ng mga Kathniel fans na nagsasabing huwag paniwalaan ang mga naninira at anuman daw ang mangyari ay hindi raw mapapabagsak ng detractors ang dalawa.

Ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ay nag-post naman sa kanyang Twitter account na ganito ang nakasaad: “Isa na namang kampon ng kadiliman ang nagtangkang sirain ang anak ko. Hindi ka magtatagumpay dahil marami kaming magtatanggol”.

Pati mga kaibigan ni Daniel ay nagbigay ng words of encouragement sa Teen King.

Isa sa nagpost ang aktor na si Neil Coleta at nagsabing “wag kang mag-alala bro kahit anong mangyari andito lang ako pati mga kaibigan mo at sumusuporta sa ‘yo.”

Ang kapatid naman ni Neil na si Mark Coleta at long-time friend ni Daniel ay nag-tweet ng “hindi lahat ng naririnig o nababasa ay kailangan bigyan ng kahulugan!! Maraming salamat sa pagmamahal kay @imdanielpadilla #SolidTayo”.

As we write, nabasa rin namin sa Twitter mula sa mga fans na okay na sina Daniel at Kathryn na hindi namin maintindihan kung nag-away ba or what.

vuukle comment

DANIEL

DANIEL PADILLA

DAW

ISA

KATHRYN

KUNG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with