^

Pang Movies

Jodi lalayasan na ang showbiz, mag-aaral na lang mag-doktor

Pang-masa

MANILA, Philippines - Determinado and 32 anyos na aktres na si Jodi Sta. Maria na ipagtuloy ang pag-aaral para maging doktor at magsilbing inspirasyon sa kanyang anak.

“Gusto kong maging magandang halimbawa sa anak ko kasi ayokong dumating ‘yong panahon na ‘pag pinipilit ko siyang mag-aral, ibabalik niya sa’kin na, ‘Ikaw nga, ‘di ka nakatapos,’ paliwanag ni Jodi sa  Tapatan ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Sept. 18).

Tumigil si Jodi sa pag-aaral bago siya nakatungtong ng fourth year high school. Nakapagtapos siya ng sekondarya noong siya ay 28 na at saka nagpatuloy sa kursong medical biology sa De La Salle University-Dasmarinas.

“Gusto ko po maging doktor. Nakapasok po ako doon sa school nila pero hindi ko pa talaga natatapos iyong kurso. Noong time na nag-aaral ako, nagte-taping din ako. Hindi ko na alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko. Pero, babalikan ko siya,” sabi niya.

Sensyales ba ito na mamamahinga muna si Jodi para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral?

Samantala, pinabulaanan din ng bidang aktres sa Maria Leonora Teresa na hiwalay na sila ng nobyong si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla at iginiit na matatag ang kanilang relasyon.

“Doon sa ilang taon na pinagsamahan namin, nagkaroon man kami ng problema ay parte talaga iyon ng pagkatuto namin. Natuto kami sa mga pagkakamali namin,” sabi ng aktres sa episode.

vuukle comment

CAVITE VICE GOV

DE LA SALLE UNIVERSITY-DASMARINAS

DETERMINADO

HUWEBES

IKAW

JODI

JODI STA

JOLO REVILLA

MARIA LEONORA TERESA

NAKAPAGTAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with