^

Pang Movies

Daniel may engrandeng selebrasyon; Anne at Sam magpapakilig uli

Pang-masa

MANILA, Philippines - All-out party ang ihahatid ng ASAP 19 ngayong Linggo (Agosto 31) sa engrandeng selebrasyon ng  Pinoy Big Brother All In Big Winner Daniel Ma­tsunaga kasama ang ex-housemates na sina Jane Oineza, Maris Racal at Vickie Rushton.

Tunghayan din sa center stage Sunday noontime show ngayong Linggo ang sunod-sunod na world-class performances kabilang ang kaabang-abang na concert treat nina Billy Crawford, Bamboo at Sarah Geronimo; na susundan ng sizzling production number ng ultimate media star na si Toni Gonzaga.

Kilig at saya naman ang masasaksihan sa ASAP 19 sa must-see production number ng The Gifted stars na sina Sam Milby at Anne Curtis; sa espes­yal na birthday celebration ni Aiza Seguerra kasama si Liza Diño; at ang grand launch ng pinakabagong segment na Kara-Okey na pangungunahan ng Karaoke King and Queen Luis Manzano at Alex Gonzaga, at Marcelito Pomoy.

Hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ng talento ang The Voice Kids finalists na sina Lyca Gairanod, Darren Espanto, Juan Karlos, at Darlene Vi­bares kasama sina Sarah, Toni, Bamboo, and Piolo Pascual.

Samantala, world-class performance naman ang handog ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kanyang I Love OPM Musical number.

Saksihan din ang makatindig-balahibong concert experience na ihahatid nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, at Tutti; at ang astig na rap battle performance nina Yeng Constantino, KZ Tandingan, Abra, Loonie, at Gloc 9.

Abangan din ngayong Linggo sina Kim Chiu, Rayver Cruz, John Prats, Shaina Magdayao, Bugoy Carino at Enrique Gil sa kanilang makapigil-hiningang Supahdance showcase.

Mga tapat na taxi drivers, pinarangalan ng Radyo5

Sa kabila ng kaliwa’t-kanang malulungkot na balitang may kinalaman sa mga aksidente sa kalye at iba pang mga kaso at pangyayari sa lansangan, pambihira at makabuluhang ‘good news’ naman ang inihatid ng Radyo5 sa programa nitong Wanted sa Radyo, kung saan binigyan ng parangal kamakailan ang ilang mga tapat at mararangal na taxi drivers.

Sa segment ng programa na Solian ng Bayan, kinilala ng Radyo5 anchors na sina Idol Raffy Tulfo at Niña Taduran, ang sampung natatanging taxi dri­vers na nagbalik ng ilang mga mahahalagang kaga­mitan na naiwan ng kani-kanilang mga pasahero.

Sa simple ngunit espesyal na awarding ceremony na naganap ng live sa Radyo5, AksyonTV at www.n5e.interaksyon.com, napabilang sa Gawad Katapatan Batch 21  sina Rusty Santos (Freedom Taxi), Josue Noromor (Prayer Partner), Romel Makalintal (Nine Stars Taxi), Dario Abiera (Circle Transport), Jerson Agustino (Winsome Taxi), Rodrigo Tamayo (King Alprekin), Rufino Redoloza (MF Abella Taxi), Rogelio Ibanez (Norlies Angle), John Viscarra (Efe Transport), at Noel Macatumbas (Antz Taxi). Sa kabuuan, nagbalik ng mahigit Php 70,000 na halaga ng pera at iba’t ibang mga gamit ang mga natatanging taxi drivers na ito.

Naging mas makabuluhan ang awarding ceremony sa progama nang isama pa ng ilan sa mga taxi drivers ang kani-kanilang mga pamilya para maibahagi rin sa kanila ang pambihirang karangalang ito. Ilan pa nga sa kanila ay hindi na napigilang maging emosyonal nang ma-interview ng kanilang idol na si Raffy Tulfo, at makatanggap ng special cash reward at ilan pang mga souvenir items mula sa sponsors ng programa.

Para sa mga karagdagang tanong tungkol sa Gawad Katapatan ng Radyo5, maaring tumawag sa Radyo5 hotline na 633-0072. Ang Wanted sa Radyo ay napakikinggan Lunes hanggang Biyernes mula 2:00- 4:00PM sa Radyo5 92.3 FM.

 

 

vuukle comment

ABELLA TAXI

AIZA SEGUERRA

ALEX GONZAGA

ANG WANTED

ANGELINE QUINTO

LINGGO

RADYO

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with