^

Pang Movies

Male newscaster laging bagong ahit ang kilay

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sino ba itong male news broadcaster na pogi pa naman pero sinisitsit kung bakit ahit daw nang ahit ng kilay? Palihim tuloy itong tinatawanan dahil nakakabawas paghanga sa kaguapuhan nito. Dapat daw ay patalsikin ‘yung make-up artist nito, kung hindi sinasadya ang guhit sa kilay, eh binabakla niya ang male news reader.

Miguel maaga parati sa taping

Masayang malungkot ang mga huling taping ng Niño sa Pagsanjan, Laguna nina Miguel Tanfelix, Gloria Romero, Luz Valdez, at Katrina Halili. Malapit na kasing magtapos ang kanilang umaaribang teleseryeng. Balitang baka kung magtagal ang teleseryeng nabanggit, mapangatawanan na ni Miguel ang naturang role. Asiwang-asiwa kasi siya dahil nakagamayan na ito. Humanga naman ang mga kasama sa set ni Miguel, dahil kahit sa Cavite pa nakatira ang poging bagets, maaga itong dumarating sa set.

Ice bucket challenge nakakaumay na

Dapat tigilan na ‘yang Ice Bucket Challenge kasi kaplastikan lang na masasabi ito. Puwede namang mag-donate na lang ng pera nang hindi kailangan buhusan ng yelo ang mga na-nominate dito. Gusto lang daw noong iba na mapahanay sa mga sikat na personalidad na nabubuhusan ng yelo. Gaya-gaya talaga mga Pilipino. 

                                               

 

vuukle comment

ASIWANG

DAPAT

GLORIA ROMERO

ICE BUCKET CHALLENGE

KATRINA HALILI

LUZ VALDEZ

MIGUEL

MIGUEL TANFELIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with