^

Pang Movies

Contestant ng Talentado ginagaya Mariel natakot nang lumambitin sa tela si Robin

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kakaiba nga ang atake ni Robin Padilla sa pagho-host ng Talentadong Pinoy kaysa kay Ryan Agoncillo dahil pinaiiral nito ang kanyang pagiging action star.

Naloka raw ang asawa at co-host ni Binoe sa show na si Mariel Rodriguez sa pilot episode last Saturday dahil ginaya ng aktor ang ginawa ng isang contestant na lumambitin sa ere with tela.

Dahil sa pagkatensyon ay napatakbo raw si Mariel sa production people at sinabihan ang mga ito ng “hindi n’yo ba siya pahihintuin?”

Syempre, hindi naman maiwasan na matakot si Mariel para sa asawa niya. Wish daw niya tuloy ay wala sanang kumain ng blade na contestant dahil baka gayahin din ng mister.

Dawn pinatulan ang isyung kapatid niya si Bamboo

Si Dawn Zulueta naman ang “in” ngayon sa Twitter world dahil sa post niya clarifying that Bamboo Manalac is not her brother.

Matagal na raw kasing kumakalat/umiikot sa Internet ang tsismis na magkapatid sila ni Bamboo kaya nagdesisyon na siyang magsalita tungkol dito.

Ayon kay Dawn, dalawa silang magkapatid na anak ng magulang nilang sina Jose Fazil Tahanlangit-Taleon and Maria Cleofe Soleta-Salman. Her brother’s name is George.

Nang mag-asawa raw ulit ang kanyang ama ay nagkaroon naman ito ng dalawang anak na lalaki na sina Jed and Josiah kaya apat daw lahat sila.

Bukod sa kanilang apat ay wala na raw siyang alam na iba pang anak ng ama niya.

Gayunman ay klinaro rin naman niyang she has high respect for Bamboo and in this regard, sana raw ay magbigay din ng sariling account ang singer as a courtesy.

“This sort of tattle is both disconcerting and mortifying to my parents. I would imagine for Mr. Manalac also,” bahagi ng statement ni Dawn.

Well, ewan kung bakit sa Internet kumalat ang tsismis na magkapatid sila. Sa loob naman mismo ng showbiz industry ay walang ganitong issue at wala namang nagsasabing magka­patid sila.

Mana sa ama anak ni Ogie ipinagmamalaki na laging strong ang pototoy

Aliw na aliw kami kay Ogie Alcasid nang ikwento niya ang “pototoy” ng anak nila ni Regine Velasquez na si Nate.

Tuwing umaga raw ay sasabihin sa kanya ni Nate na “daddy, I’m strong, look!” sabay-pakita sa “pototoy” nito. Titingnan daw niya ito anak at sasabihin naman niya, “aba, strong nga!”

Ha-ha-ha!

Ang say tuloy ng mga reporters, siguro raw ay nagmana kay Ogie ang anak.

 Anyway, excited na si Ogie sa kanyang birthday concert na gaganapin sa Music Museum on Aug. 28 titled Throwback Thursday with Mr. A.

Puro songs of the 80s ang kakantahin niya na aniya ay kapanahunan niya.

vuukle comment

ANAK

BAMBOO MANALAC

DAWN ZULUETA

JOSE FAZIL TAHANLANGIT-TALEON

MARIA CLEOFE SOLETA-SALMAN

NIYA

OGIE

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with