^

Pang Movies

Anak ni Derek wala pang nakakakita Derek parang GQ model nang umapir sa korte

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi sumipot kahapon sa Makati Prosecutor’s Office si Mary Christine Jolly, ang ina ng anak ni Derek Ramsay.

Nanghinayang ang mga reporter na nagbantay dahil hindi nangyari ang i­naasahan nila na face off ng dating magkarelasyon.

Sa pamamagitan ng isang official statement, inamin ni Derek ang pagkakaroon nila ni Mary Christine ng anak, ang 11-year old na si Austin Gabriel.

Sa totoo lang, hindi shocking ang pag-amin ni Derek na tatay na ito kaya naging OA na lang ang fans na nagpapanggap na hindi nila matanggap na tatay na siya. Natanggap nga nila na may anak na si Piolo Pascual ‘huh!

Walang idea ang mga tao sa hitsura ng anak ni Derek kay Mary Christine.

Menor de edad si Austin kaya protektado siya ng batas. Malinaw naman ang sinabi ni Derek sa official statement nito na pinoprotektahan niya ang privacy ng bagets.

Guwapo si Derek at maganda si Mary Christine. Most likely, star material din si Austin Gabriel. Kasama  ni Derek ang kanyang mga magulang nang i-submit niya kahapon sa prosecutor’s office ang sagot sa reklamo ni Mary Christine.

Ang sabi ng isang source, kinilig-kilig ang mga empleyado ng Makati City court dahil guwapung-guwapo si Derek nang umapir ito sa prosecutor’s office. Parang GQ model daw si Derek sa outfit nito.

Very vocal sa hinanakit, Gardo hindi natatakot kay P-Noy

Walang takot na sinabi ni Gardo Verzosa sa set ng Dading ng GMA 7 na hindi siya happy sa pagiging fickle minded ni P-Noy at sa pagpapatakbo nito sa pamahalaan.

Very vocal si Gardo sa pagsasabi na mas may paninindigan pa si Carding kesa sa ibang mga government official.

Si Carding ang gay character ni Gabby Eigenmann sa Dading na isa sa mga top rating afternoon program ng Kapuso Network.

Hindi itinatago ni Gardo ang disappointment niya sa P-Noy administration. Kung matatandaan ninyo, siya ang nagbigay kay Nora Aunor ng T-shirt na may tatak na Proud to be a Filipino, Ashamed of my Government.

Magkasama ang dalawa sa shooting ng isang indie movie nang makita ni Nora ang T-shirt na suot ni Gardo.

Agad na ipinahubad ni Nora kay Gardo ang T-shirt at siya ang nagsuot. Nangyari ang insidente noong kainitan ng isyu ng pagkakaitsapwera ni Nora bilang National Artist.

Hindi pala bago ang T-shirt na ibinigay ni Gardo kay Nora dahil three years-old na ang damit na malakas ang impact kaya pinag-usapan.

Kahit inulan at binaha, birthday ni Mother Lily dinagsa pa rin ng mga kaibigan

Ang saya-saya ni Mother Lily Monteverde sa 75th birthday party niya noong Martes.

Walang kapaguran si Mother sa pag-iikot at pag-aasikaso sa kanyang mga bisita.

Present ang Filipino-Chinese community sa bonggang birthday celebration ni Mother. Tuwang-tuwa sila dahil nagkaroon sila ng mga litrato na kasama ang mga sikat na personalidad na napapanood lamang nila sa TV at pelikula.

Sinagasa ng mga bisita ang malakas na buhos ng ulan at ang matindi na traffic situation para personal nila na ma-greet ng happy birthday si Mother.

vuukle comment

AUSTIN GABRIEL

DEREK

DEREK RAMSAY

GARDO

MARY CHRISTINE

NORA

P-NOY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with