^

Pang Movies

James pinasikat ng Panget…

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bukas din pala ang showing sa mga sinehan ng Talk Back and You’re Dead ng Viva Films.

Starring sa Talk Back and You’re Dead ang love team nina James Reid at Nadine Lustre.

Pinilahan sa takilya ang unang pelikula nina James at Nadine, ang Diary ng Panget. Confident si Boss Vic del Rosario na tatangkilikin din ng fans ang Talk Back and You’re Dead na hango sa libro na popular sa mga bagets .

Malaki ang nagawa ng Diary ng Panget at ng Viva Films sa showbiz career ni James.

Mula nang maging blockbuster ang kanyang unang pelikula sa Viva Films, nagkasunud-sunod na ang mga product endorsement ni James. May mga offer sa kanya na regular show sa TV pero desisyon ni Boss Vic na mag-focus muna si James sa paggawa ng pelikula.

Gamay na gamay ni Boss Vic ang showbiz dahil isa lamang si James sa napakaraming artista na napasikat niya at ng kanyang movie company.

Mabentang-mabenta rin si James sa mga out of town shows dahil sa kanyang talent sa pagkanta at pagsayaw.

Dumarami ang fans ni James dahil na-prove nila na talented siya at bonus na lang ang kanyang maamo na mukha.

Si Boss Vic ang nakakita sa potensyal ni James na maging matinee idol at bagong heartthrob na kababaliwan ng young girls and gays. Tinitilian at dinudumog si James sa lahat ng mga lugar na pinupuntahan niya.

Mother ayaw sa edad na 75

Invited ako sa intimate birthday dinner ni Mother Lily Monteverde at nag-promise ako sa kanya na pupunta ako, kesehodang gabi ang event.

Ngayon ang birthday ni Mother na very lucky dahil ho­liday sa Quezon City tuwing kaarawan niya bilang August 19 din ang birth anniversary ni former Philippine President Manuel Quezon.

Hindi ko makakalimutan si Mother dahil siya ang sponsor ng first out of the country na biyahe ko. Si Mother ang nagbitbit sa akin sa aming unforgettable trip sa Hong Kong.

Unforgettable dahil sandaling-sandali lamang kami sa Hong Kong. Nagyaya agad si Mother na umuwi nang makaramdam siya ng pagkainip.

Eh balitang-balita pa naman sa lugar namin sa Sampaloc na pupunta ako sa Hong Kong. Naloka ang mga ka­pit-bahay ko nang makita nila na nakabalik na ako. Ang ending, hindi sila naniwala na nagpunta ako sa ibang bansa. Hindi na ako nag-explain dahil baka mapaaway lang ako. Enough nang alam ko na nadala ako ni Mother sa abroad, kahit sandaling panahon lang.

Turning 75-years old si Mother Lily pero 76 ang sagot niya kapag may nagtatanong sa age niya dahil may pamahiin ang mga Chinese kapag may kinalaman sa mga number 9 at 5.

Good health at more successful movies ang mga birthday wish ko para kay Mother na aligaga sa promo ng Some­body to Love, ang bagong pelikula niya bukas ang opening sa mga sinehan. Bale ang Somebody to Love ang birthday presentation ni Mother Lily.

vuukle comment

AKO

BOSS VIC

DAHIL

HONG KONG

JAMES

MOTHER

MOTHER LILY

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with