^

Pang Movies

Deal or No Deal girl, pasok din sa sex scandal ni Paolo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May isang pangalan pa ng babae na lumutang sa kontro­bersiyal na sex video ni Paolo Bediones. Iyon daw model at dancer na napapanood sa Deal or no Deal, na ang pangalan ay Andrea Shin. May lumabas ding mga pictures ni Andrea sa social media na itinabi nila sa screen capture ng sex video ni Bediones. Pero wala pang lumalabas na reaksiyon si Shin tungkol dito. Nauna riyan, mabilis na nag-deny ang dalawang babaeng sinasabing siya ang kasama ni Paolo sa sex video. Naging palaisipan kasi kung sino nga ba ang babaeng iyon.

Hindi naman pinapansin ni Paolo ang sex video.

Aljur walang laban sa GMA

Natanggap na raw ng GMA 7 ang kopya ng isinampang demanda ni Aljur Abrenica laban sa kanila, na humihiling na pawalang bisa na nila ang kanyang kontrata sa kumpanya, at humihingi ng moral at exemplary da­mages na 1.1 milyong piso, at attorneys’ fees na umaabot sa 800 libong piso.

Matapos na matanggap ang kopya ng demanda ni Aljur, sinabi ng GMA sa kanilang opisyal na statement na pag-aaralan ng kanilang legal team kung ano ang hakbang na kanilang gagawin. Sinabi rin nilang nakalulungkot ang nangyaring iyon dahil si Aljur ay isa sa kanilang mga artista na binigyan nila ng tamang build-up at malaki rin ang naging puhunan nila.

Sa statement na iyan ng GMA 7, ang nakikita namin ay lalabanan nila ang demanda ni Aljur, at posibleng maipit na ang kanyang career hanggang sa 2017 kung kailan matatapos ang kanyang kontrata. Kung hindi naman, pagbibigyan nila si Aljur sa kahilingan noon na makalaya sa kanyang kontrata, pero pagbabayarin nila sa kanilang ginastos, pati na ang dapat nilang kitain pa hanggang sa 2017 sa pagtatapos ng kanyang kontrata.

Kung ako,  magbayad na lang siya ng damages sa kanyang home network para mabilis na makakawala sa kanyang kontrata. Kung hindi, siya rin ang maiipit. Papaano kung tumagal ang kanilang kaso sa korte, at iyang mga ganyang kaso ay hindi mo masasabing matatapos ng tatlong taon lang.

Dapat sundin niya ang sinabi ni AiAi delas Alas, kumuha siya ng ibang consultant sa bagay na iyan dahil mukhang mapapahamak lamang siya sa itinatakbo ng kaso niya sa ngayon. Tagilid siya.

Female star nabuwisit nang makita ang ex na bading!

“Nasira ang araw ko nang makita ko si bakla,” ang narinig daw ng ilang staff ng show na sinabi ng isang female star tungkol sa kanyang “ex”. Papaano namang hindi, eh siya mismo ang nakabisto sa kabaklaan noon, noong panahong “on” pa sila.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANDREA SHIN

KANYANG

KUNG

NILA

PAOLO BEDIONES

PAPAANO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with