^

Pang Movies

Sex video ni Paolo tuloy ang pagkakalat

ISYU AT BANAT - Ed de Leon Usapan - Pang-masa

Usapan na naman ngayon ang mga sex video. May lumabas na naman kasing bago at talagang kalat na kalat sa Internet. Ang kaso lang, nang kumakalat na video na iyan ni Paolo Bediones mahirap nga sigurong mai-deny na siya ang nasa video, o iyon ay ka-look alike lamang kasi maliwanag ang video.

Ang sinasabi nila ngayon, matagal na raw iyang video na iyan. Kinunan noong nasa GMA 7 pa siya, as if it matters kung nasaang network siya nang gawin ang sex video na iyan. Natawa nga kami eh, kasi may nagsabi pa hindi naman dapat ikumpara iyan kay Hayden Kho, kasi alam ng babaeng kasama ni Paolo na may ginagawa silang vi­deo. Hindi raw alam ng mga babaeng nakasama ni Hayden na sila ay nakukunan na nga ng video. Pero ano man ang sabihin ninyo, sex video pa rin iyan.

Tama ang network ni Paolo sa pagsasabing wala silang pakialam sa lumabas na sex video. Wala namang kinalaman sa kanyang pagiging newscaster ang sex video na ginawa niya. Siguro nga katuwaan lang iyon. Siguro nga kaunting kapilyuhan lang i-yon. Matagal na namang usapan iyan, ang problema nga lang ngayon ay lumabas. Kailangang imbestigahan kung papaano at bakit lumabas.

Hindi na maitatago ang video, kasi mabilis na kumalat sa Internet eh. Hindi mo man hanapin, tiyak na may magpapadala sa iyo ng kopya, lalo na sa Facebook. Nakakagulat iyong daming nagse-share, kahit na hindi mo naman kilala kung sino ang mga iyon. Aywan kung bakit parang naging trip nilang i-share ang nasabing video. Pero kagaya nga nang sinasabi namin, walang kinalaman iyon sa kanyang career bilang isang professional broadcaster. Siguro kung siya ay ministro ng isang relihiyon na kailangan ang mataas na moralidad, pangit iyan. Siguro kung siya ay isang mataas na opisyal ng gobyerno, hindi rin maganda iyan. Pero broadcaster lang naman si Paolo eh. News presenter lang siya, hindi naman siguro ganoon kahigpit ang dapat na ipataw na moralidad.

Palagay din namin, hindi magandang stra-tegy iyong parang pananakot na pagsasabing ang sino mang manood ng video ay may parusa sa ilalim ng batas. Papaano nila mahahanap kung sino ang may kagagawan niyan? Naha-nap ba nila ang nagkalat ng video ni Wally Bayola? Nahanap ba nila ang nagkalat ng video ni Chito Miranda? Sino ang nagkalat ng video ni Hayden Kho? Kahit na may batas, malabo iyan. Iyong ngang anti-piracy law walang mangyari, eh iyan pa?

Moral lesson, huwag gumawa ng sex video.

Noong araw pa ang mga tsismis na ganyan. Basta may video, asahan mo lilitaw. Natandaan namin noon, bagu-bago pa lang ang betamax, kumalat ang video ng isang sexy star at ng kanyang politician lover. Maraming kumalat na video noong araw. Marami naman talagang gumawa ng video dahil akala nila mapagkakakitaan nila iyon. Hindi pa alam noon na ganoon katindi ang piracy.

Marami pang ibang natsismis. Maski si Governor Vilma Santos biniktima ng mga tsismis pero wala naman silang nailabas kahit na ano. Maski na si KC Concepcion sinabi nila may video, wala rin namang silang nailabas kahit na ano. 

Kung walang video, wala talaga. Kung mayroong ginawang vi­deo, lalo na’t celebrity, asahan na ninyong lalabas iyan at kakalat. Kaya ang moral lesson, huwag nang gagawa pa ng video.

vuukle comment

CHITO MIRANDA

HAYDEN KHO

IYAN

KUNG

NAMAN

PERO

SIGURO

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with