^

Pang Movies

Nahihiya na rin sa mga pamangkin Cristine ayaw na talagang magpa-sexy dahil sa pananampalataya

- Vinia Vivar - Pang-masa

Isa pala sa dahilan kung bakit ayaw na sana ni Cristine Reyes na magpa-sexy at wish niya nga na ang Trophy Wife na ang kanyang last daring film ay dahil sa kanyang renewed faith.

Dati pa naman daw ay Christian na siya, pero mas nga­yon lang siya naging malapit sa Diyos at every Sunday ay uma-attend ng mass.

Parang contradicting daw kasi kung makikita pa raw siya sa screen na nagpapa-sexy.

Bukod pa rito, gusto niyang mag-set ng magandang exam­ple sa kanyang mga pamangkin na mahal na mahal niya at nilu-look up pa naman siya.

Siyempre, nakalulungkot nga naman na hindi pwedeng mapanood ng mga pamangkin niya ang kanyang pelikula dahil hindi pambata.

She’s already 25 at say ni Cristine, siyempre ay pinaplano na rin niya ang kanyang future kaya wish niya na hindi na siya magpa-sexy pa sa screen.

Daniel mabilis pinatawad si Lea

Hindi issue kay Daniel Pa­dilla ang naging komento ni Lea Salonga sa The Voice Kids noong Sabado, kung saan ay sinabi ng tinaguriang Disney Prin­cess na balang araw ay mabubura ang pangalan nito once na dumating din ang isa sa top 4 finalists na si Juan Karlos Labajo sa ganun’g edad.

“Narinig ko lang po ‘yun kanina. Sabi rin po ni Mama, talagang mataas ang respeto natin kay Ms. Lea at baka nadala lang po si Ms. Lea ng ano, saka hindi naman po ‘yun issue kaya huwag na nating anuhin. Okay lang po ‘yun, baka nadala lang,” sabi ni Daniel Padilla sa The Buzz guesting niya last Sunday.

Nag-sorry naman kaagad si Lea sa kanyang Twitter account kaya siguro naman ay dito na rin matatapos ang issue.

Anyway, personal na nagpasalamat si Daniel sa lahat ng sumuporta sa She’s Dating the Gangster movie nila ni Kathryn Bernardo na nasa 200M na raw ang kita ngayon.

Sa nasabing movie ay puring-puri ng lahat ng naka­panood ang acting ni Daniel at dito nga raw lumabas ang kanyang pagkaaktor.

Very humble naman ang young heartthrob sa pagsasabing ito ay dahil sa direktor nilang si Cathy Garcia-Molina na sobra ang pagpigang ginawa sa kanya.

“Talagang hindi pumapayag ‘yun na basta bitaw lang ako nang bitaw ng mga ano, eh. Talagang ‘pag may maliit lang na ayaw niya, uulitin namin lahat. Mas okay naman po ‘yung talagang binabantayan ka ni Direk kaysa naman hinahayaan ka lang nang hinahayaan,” say ni Daniel.

Natawa naman ang young actor nang tanungin kung totoo bang nag-aaway sila ni Kathryn at hindi siya mapakali at umiiyak pa raw.

Inamin niyang hindi nga siya mapakali, dahil sino ba naman daw ang mapapakali ‘pag ganun’g hindi sila okay, pero hindi naman daw siya umiiyak.

Sinusuyo raw niya si Kathryn ‘pag may away sila, pero say niya, medyo matagal na raw ‘yung huling tampuhan nila at ngayon daw ay hindi na sila nag-aaway.

Patrick ipinagsigawan ang engagement sa non-showbiz GF

Nag-propose na si Patrick Garcia sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Nikka Martinez kaya ngayon ay officially engaged na ang aktor.

Ipinost ni Patrick sa kanyang Instagram account ang video ng kanyang proposal kung saan ay makikitang isinusuot niya ang engagement ring sa GF at mother ng kanyang anak na si Chelsea.

Sa kanyang proposal ay sinabi ng aktor sa GF, “it will make me very happy if you’d allow me to make it right with you and most of all if we could make it right with The Lord.”

Pagkatapos nito ay nag-post si Patrick ng picture nila ni Nikka kung saan ay nakalagay ang caption na “I love you my fiancé.”

vuukle comment

CATHY GARCIA-MOLINA

DANIEL PA

KANYANG

LANG

MS. LEA

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with