^

Pang Movies

Aljur nagalit sa title ng album na Nota kaya umayaw daw sa GMA

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Mabuti pa ang fans ni Aljur Abrenica nauna pang nakatunog na gusto na niyang umalis sa GMA 7.

Bago pa siya nagsampa ng kaso, marami nang nag-comment sa kanyang Instagram account sa plano niyang pag-alis sa Kapuso Network.

May nagsabi pang sana makipag-usap muna ito sa management bago siya lumipat sa ibang channel. Kaso matagal pa ang expiration ng contract niya na hanggang 2017 kaya itinuloy ang petition niyang layasan ang GMA.

Kaya agad siyang nakatikim ng mga bira. May nagsabi na puwede na siyang lumayas sa GMA dahil puro flop naman daw ang show niya at dahil bano raw itong umarte. May pahabol pang nainggit lang siya kay Paulo Avelino, kaya gusto na rin niyang kumalas sa network. May nagtanggol namang fan ni Aljur na kaya raw ito aalis ay dahil hindi nga tumupad ang management sa kanilang kontrata para sa career ng aktor. Plus napikon daw ang aktor sa title ng album niya na Nota, na hindi mo alam kung seryoso ba o nagpapatawa lang ang fan. Hindi alam ng fan na ang Universal Records ang nag-release ng kanyang album, at hindi ang GMA Records. May nanghihinayang din na hindi na sila magkakasama ni Kris Bernal na ka-love team ng aktor sa Kapuso Network.

Kevin hindi type pumatol kay Carmi

Patawa si Kevin Santos sa role niyang lover ni Carmi Martin sa sitcom nilang Ismol Family sa GMA 7 na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

Feel na feel niyang makipaglampungan kay Carmi sa kanilang episode, pero sa tunay na buhay ay hindi raw niya maaatim na ma-in love sa isang cougar.

Hindi raw kakayanin ng powers niya dahil walang appeal sa kanya ang may edad na babae. Ayaw daw niya ng mother image, kaya never daw siyang maa-attract na pinagdiinan pa nito.

Wala raw siyang GF ngayon na hangga’t maari, kung magkaroon man ay gusto niya sana non-showbiz para hindi raw magulo.

Good catch pa naman si Kevin dahil bukod sa busy siya sa kanyang career ay abala rin ito sa kanyang negosyo. Ang company niyang Jordan, ang supplier ng pistol belt sa Camp Crame na ginagamit ng buong kapulisan. 

Kaya kahit hindi siya busy sa taping, hands on siya sa kanyang negosyo. Siya rin ang nagdi-deliver ng mga ito sa Crame kapag available siya. Kinapalan lang daw nito ang mukha na siyang puhunan niya nang pasukin ang negosyo.

Wala naman balak magbawas ng timbang si Kevin dahil character actor daw naman ang tinutumbok niya. Nahihirapan din siyang mag-diet dahil bukod sa puro kain sa taping, madalas siyang lumamon tuwing meron siyang business meeting.

Hindi raw siya umaasa na magiging leading man.

Natuwa nga siya sa Ismol Family dahil napahinga siya sa gay role kung saan masaya siyang nakikipagkulitan at nakikipagbatuhan ng linya kina Ryan AgoncilloMike “Pekto” Nacua, Mikael Daez, at ang seksing Foreignay na si Natalia Moon.

Samantala, gaganap naman siyang tatay sa bagong palabas ng GMA 7 na Yagit. Nagkaroon na sila ng workshop sa bagong ipalalabas  ng GMA 7.

 

 

vuukle comment

DAHIL

ISMOL FAMILY

KAPUSO NETWORK

KEVIN

NIYA

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with