^

Pang Movies

Sunshine nagtatago kay Cesar tuwing susunduin ang kanilang mga anak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagtaka ang mga entertainment press kung bakit tarpaulins ng isang sexy Sunshine Cruz ang bu­mulaga sa kanila sa venue, samantalang White Glo Crave-Away appetite control toothpaste ang iniendorse ng Kapamilya actress?  

As per the explanation of the executive ng pro­dukto na idini-distribute ng Brady Pharma sa Wat­son stores, at ni Sunshine, napaka-effective raw nito na simula nang gamitin niya, talagang nawala ang cravings niya sa hilig niyang kumain ng mga sitsirya at ng paborito niyang chocolate at hindi rin niya napapansin na naglu-lose na siya ng weight.  

  Kaya ngayon daw, balik na rin siya sa pagwu-work out para ma-firm ang kanyang mga muscles and skin.

Thankful si Sunshine na with­in one year na bumalik siya sa showbiz, nakatatlong teleserye na siya sa ABS-CBN, na sa kasa­lukuyan ay ume­ere ang bago niy­ang soap, ang Pure Love, after Dugong Buhay, at Galema at limang bagong endorsements, huli nga itong White Glo na ilan pang celebrities ang inalok pero sa kanya rin napunta. 

Sa July 28, 37 na si Sunshine pero sa ngayon ay wala raw muna siyang panahon for a new love.  

Nasa korte pa raw ang isinampa niyang annulment case sa former husband niyang si Cesar Montano, pero pagkatapos ng ilang required proceedings na kailangan niyang mag-appear sa court, ipinabahala na niya ito sa lawyer niya.  

Kaya ang concerned na la­mang niya ngayon ay ang kanyang work at ang tatlo niyang anak na very supportive sa kanya, sina Angelina Isabelle (12), Samantha Angeline (9) at Angel Francesca (8).  

Hindi siya umarteng walang nagta-try na manligaw sa kanya, pero lagi niyang sinasabi ito sa mga anak na siyang nagdi-decide kung papayag silang makipag-boyfriend siya, lalo na kung medyo may edad na ito kaysa sa kanya. Ayaw na rin ng mga anak niya na mag-pose siya sa men’s magazine kaya tinanggihan na niya ang offer sa kanya.

May possibility ba na muli silang magkasama ni Cesar sa isang project?

 “Hindi pa siguro ngayon, kasi hindi kami nag-uusap.  Hindi rin kami nagkikita kahit sinusundo niya ang mga bata para ilabas,” sagot ni Sunshine. 

 “Hindi ko naman ipinagdadamot sa kanya ang mga anak namin, kaya lamang dahil malayo na kami, hindi na pwedeng matulog sa kanya ang mga bata lalo na kung may classes sila kinabukasan.”

Aljur naiinggit kay Alden kAYA naisipang layasan ang GMA

Sa pagsasampa ng kaso ni Aljur Abrenica laban sa GMA Network, may mga nagtanong hindi raw kaya na-insecure na si Aljur kay Alden Richards? 

Una ay ang pag-back-out daw ni Aljur sa movie na dapat pagsasamahan nila, ang Cain at Abel for GMA Films. Magagandang projects ang naibigay kay Al­den, huli nga ay ang pagtatambal sa kanya sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Ri­vera.  

At ngayon, bagong field na naman ang papasukin ni Alden dahil kasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, they will host the new reality talent search ng GMA 7, ang Bet ng Bayan na kasalukuyan silang nagpapa-audition ng mga magagaling na Pinoy singers, dancers at iba pang novelty performers from age 15 and above.  

Ngayong July 26, nasa SM City Bacolod at Cebu sila, SM City Fairview at Sta. Rosa at SM City GenSan on August 1 & 2 at Gaisano Iligan on August 2 & 3).  Sa mga interesado, bisitahin ang www.facebook.com/BetNBayan.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR

KANYA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with