^

Pang Movies

Gustong may kasalan, Pauleen ayaw ng live-in

- Vinia Vivar - Pang-masa

Very happy si Pauleen Luna sa takbo ng kanyang love life ngayon, lalo pa nga’t very open na sila ni Vic Sotto sa kanilang relasyon.

Ang hinihintay na lang nga ng lahat ngayon ay kung kailan ba talaga sila magpapakasal, pero say ni Pauleen nang makausap namin sa grand opening ng Nails Glow Nails and Beauty Spa located at Northridge Plaza sa Congressional Ave. “let’s wait and see na lang.”

Aniya, siyempre ay gusto rin daw niyang mauwi sa kasalan ang relasyon nila dahil hindi ka naman daw papasok sa isang relasyon kung iniisip mong walang kapupuntahan.

 “Like what he said din, he won’t go into a relationship na alam mong walang papupuntahan. Lahat naman ng relasyon, ang pangit naman na nasa relasyon ka, tapos, hindi ka mag-iisip ng ganu’n.”

Ano ang reaksyon niya na siya na ang huling babae sa buhay ni Vic?

 “Sana. Pero ayoko naman siyempreng i-claim ‘yun. Ayoko namang panghawakan ‘yun. Time will tell na lang talaga,” she said.

Siyempre, kung siya raw ang tatanungin, gusto niya ay si Vic na rin ang forever na makakasama niya pero hindi pa rin daw nga natin alam ang pwedeng mangyari.

Pero isang bagay ang sinigurado ni Pauleen, hindi raw siya pwede sa live-in arrangement.

 “Hindi pwede sa akin, hindi pwede sa magulang ko, so hindi pwede. But that was clear naman nun’g una pa lang,” say pa ng aktres.

Basta sa ngayon daw ay sobrang happy and contented siya sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, sa career man o buhay-pag-ibig.

Katatapos lang daw niya ng The Borrowed Wife at nag-guest naman siya for three weeks sa My Destiny. Thankful naman siya at hindi raw siya nawawalan ng project sa GMA 7.

When asked kung willing ba siyang maging daring kung may offer, aniya ay hindi na raw bilang respeto kay Vic.

“Hindi naman niya ako binabawalan, it’s my own decision. Like kung hindi naman talaga kailangan.”

Kung sakali bang may magandang offer na nagre-require for daring scenes at tinanggap niya, sa tingin ba niya ay magiging issue ito sa pagitan nila ni Bossing?

“Lahat naman ‘yan napag-uusapan. Pero kasi, parang sa akin, nirerespeto ko siya, he’s a known person and pinagkakatiwalaan niya ako with my work, eh, and ayoko naman na mag-overboard just because hinayahaan niya ako,” she said.

Abogado ni Claudine nagsalita sa kanilang relasyon

Ngayong Lunes, tatalakayin ng Face the People ang isa sa mga pinakapinag-uusapang issue sa showbiz sa kasalukuyan sa pagharap ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng kontrobersyal na aktres na si Claudine Barretto, sa taumbayan ng Face the People.

Madalas nadadawit si Atty. Topacio sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang kliyenteng si Claudine Barretto. Mula pa man ng hinawakan niya ang kaso ni Claudine, usap-usapan nang mas malalim pa ang relasyon nila ng aktres. Napabalita rin ang Asian cruise trip ni Atty. Topacio at Claudine, ang pagpapalitan nila ng mga mamahaling regalo, at ang larawan kung saan masayang kumakain ng fish balls ang dalawa. May mga nagsasabi ring libre ang serbisyo ni Atty. Topacio kay Claudine.

Mabilis naman ipinagtanggol ni Claudine ang abogado. Ayon sa kanya: “Kung lahat nga ng mga lalaki sa mundong ito ay kagaya ni Attorney Topacio, masaya lahat ng mga babae sa mundong ito!”

Samantala, maging ang iba’t-ibang mga entertainment at showbiz reporters ay nagpahayag ng kanilang mga opinyon sa issue. Para kay Danny Batuigas, obvious ang relasyon nila Claudine at Atty. Topacio. Para sa showbiz radio host na si Richard Pinlac naman, hindi daw dapat bigyan ng malisya ang samahan nila bilang magkliyente.

Sa huli, inakusahan ni Claudine ang kanyang asawang si Raymart Santiago ng kapabayaan raw bilang ama. Nagpahayag din si Claudine na isa siyang battered wife at peke raw ang civil wedding nila ni Raymart.

Marami ang nagtatanong kung kaylan ba talaga matatapos ang sigalot sa pagitan nina Claudine at Raymart. Well, abangan ang Face the People today (Monday) at  10:15 a.m. sa TV5 para malaman ang kasagutan.

 

 

 

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

FACE THE PEOPLE

KUNG

NAMAN

NIYA

TOPACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with