^

Pang Movies

Trailer ng Trophy Wife dalawa ang version

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ipinakikita na nga ang trailer ng much-awaited na sexy adult-drama ng Viva Films na Trophy Wife na bida sina Derek Ramsay, John Estrada, Heart Evangelista, at Cristine Reyes.

Muli ngang nagpasilip ng alindog si Cristine sa mga eksena niya kasama sina Derek at John. First time naman na gagawa ng mga daring scenes si Heart kasama si Derek.

Mapapanood nga ang “uncut” trailer nito sa YouTube. Baka raw mag-react ang MTRCB sa original trailer nito dahil sa matinding sexual content nito kaya may sanitized version sila para maere ito on national television.

Inaasahan na malalampasan ng Tropy Wife ang kinita ng No Other Woman noong 2011 na pinagbidahan din nila Derek Ramsay, Cristine Reyes with Anne Curtis. Kumita ito ng P278 million sa box-office making it the 3rd highest grossing Filipino film of all time.

Binawalang makalapit sa pamilya at mga kapitbahay, Justin may anger management class

Required na ngang mag-take ng anger management class ang Canadian pop star na si Justin Bieber pagkatapos siyang ilagay sa isang 2-year probation ng korte dahil sa kanyang kasong misdemeanor vandalism.

Sanhi ito ng pagbato ni Justin ng mga itlog sa bahay ng kanyang neighbor sa Calabasas.

Kasama pa nga sa probation ni Justin ay ang pag-perform ng 5-days labor picking up trash or graffiti removal.

Magbabayad din siya sa kanyang neighbor ng $80,900 dahil sa total da-mages na ginawa ni Justin sa bahay nito.

Kailangan mabuo ni Justin ang 12 weeks of anger management classes. Minimum of one class per week.

May restraining order din si Justin mula sa kanyang neighbour. He is ordered to stay 100 yards away from his neighbour and the family.

Gladys na solo si Dingdong!

Nagsimula na last week ang 25th season ng celebrity talk show ni Gladys Reyes na Moments na umeere sa Net 25.

Malaking achievement nga ito para sa aktres na nagsimulang mag-host ng Moments noong 2007 at sa kanilang ika-seventh year, mas malalaking mga celebrities pa ang aabangan ng mga loyal televiewers niya.

 “Ako mismo, hindi ko inasahan na magpapatuloy ito hanggang ngayon. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa aming mga sponsors, sa televiwers na nag-aabang every season, sa mga celebrities na umu-oo sa imbitasyon namin at siyempre sa team ng Moments na masisipag at walang kapaguran.

 “And most especially sa pamunuan ng Net 25. Dahil sa paniniwala nila sa show at patuloy ang pag-ere namin at masaya kaming may trabaho every week,” sey pa ni Gladys.

At tulad nga ng pangako ng Moments, big celebrities ang mga bibisita sa set ng show para makipagchikahan kay Gladys.

Last week ay nagsimula ang 25th season with Star for all Seasons and Batangas Governor Ms. Vilma Santos-Recto. This Saturday ay ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang siyang makakakuwentuhan ni Gladys.

“I am so honored na napagbigyan tayo ng Mr. Dingdong Dantes na maging guest, finally sa Moments. First time niya ito at first time ko rin siyang naka-one-on-one.

“Kaya ang saya naming lahat sa show dahil sa pag-unlak ni Dingdong na maging bisita siya ng Moments.

“Abangan ngayong Sabado (7:00 to 8:00 PM) ang masayang kuwentuhan namin ni Dingdong. Hindi lang tungkol sa kanyang career kundi may na-touch kami tungkol sa politics, sa kanyang pagiging producer, pagiging director at kung ano na ba ang level ng relasyon nila ni Marian Rivera,” diin pa ni Gladys.

Bukod nga kay Dingdong ay naka-line-up na ang mga special guests ni Gladys sa mga susunod pang weeks ng Moments.

“For the next few weeks, nakahanda na ang mga sasalang sa Moments.

“Siyempre, after Ate Vi and Dingdong, dapat kasing interesting din nila ang mga susunod kaya mapapanood nila sa Moments sina Chef Boy Logro, Sheryn Regis at si Matet de Leon.

“May pang-throwback din kami. Kaya abangan nila sa show sila Sheryl Cruz, Tina Paner at Cris Villanueva.

“Nag-promise din sa akin si Karla Estrada na magge-guest sila ni Daniel Padilla sa show. Inaayos lang ang schedule ni Daniel.

“Lahat sila ay makakakuwentuhan ko, kaya gawin na nilang habit ang manood parati ng Moments sa Net 25,” pagtatapos pa ni Gladys na kasama rin sa host ng Kapuso daily show na Basta Every Day Happy.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

ATE VI AND DINGDONG

CRISTINE REYES

DEREK RAMSAY

GLADYS

JUSTIN

KAYA

MOMENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with