^

Pang Movies

Tinanggal lahat ni Zsa Zsa sa kanilang bahay, mga gamit ni Dolphy ilalagay na lang sa museum

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pilipino Star Ngayon

No problem naman pala kina Eric Quizon kung sakali mang boyfriend na ni Zsa Zsa Padilla si Architect Conrad Onglao. Alam daw nilang kailangan na rin ni Zsa Zsa na mag-move on dahil on July 10, two years na ring wala ang daddy nila. Eric even suggested na alisin na ni Zsa Zsa ang mga gamit ni Dolphy sa bahay nila para wala nang makapagpapaalala sa kanya tuwing makikita niya ang mga ito at tuluyang maka-move on na siya. Sinunod naman daw ito ni Zsa Zsa at ang mga gamit ni Dolphy ay nasa pangangalaga na muna ng production designer na si Joey Luna. Ilalagay daw nila ang mga memorabilia ng yumaong ace comedian sa Dolphy Museum na ipatatayo nila.

Si Sharon Cuneta, who is a good friend of Zsa Zsa ang nagpakilala sa kanila ni Conrad at agad silang nagkita sa Makati restaurant na tumagal ng tatlong oras. Although hindi isinama ni Zsa Zsa si Conrad sa wedding ng anak na si Karylle, madalas naman silang makitang magkasama at magka-holding hands pa. Hindi kami magtataka kung sa altar magtatapos ang relasyon nila dahil annulled na ang kasal ni Zsa Zsa kay Dr. Modesto Tatlonghari at hindi naman sila nakasal ni Dolphy. Si Conrad ay annulled na rin sa first wife nito. 

 

Marian at Alden nagpipigil

May mga nag-react na fans sa nai-post sa Facebook na pictures ng ilang scenes nina Marian Rivera as Carmela at Alden Richards as Yago sa Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw) shot in Puerto Azul in Cavite. Ayaw kasi nila na may love scene ang dalawa kaya ang promise ng writer na si Suzette Doctolero, hanggang sa passionate kissing scenes lamang iyon ng dalawang taong so much in love pero parehong pinipigilan ng kani-kanilang pamilya.  Mapapanood na ang eksenang iyon mamayang gabi pagkatapos ng Kambal Sirena.

Kris gusto na namang mag-iba ng buhay

Ayon kay Coco Chanel, a French fashion designer,  â€œa woman who cuts her hair is about to change her life.” Ito ba ang sinunod ng Queen of All Media na si Kris Aquino (at pinost niya sa kanyang Instagram account) kaya pinaputol niya ng more than a foot ang mahaba niyang buhok? At para nga raw ito sa next chapter of her life. Ready na raw si Kris for the new change in her life (with Quezon City Mayor Herbert Bautista?) kaya nagpa-pixie hairstyle na siya.

 

Louise ipinipilit ulit ng mga fans kay Alden

 Nami-miss na ng mga DenLou fans nina Alden Richards at Louise delos Reyes ang former love team nila. Kaya ipinu-push nila ang dalawa na gumanap sa love story nina Jam at Mich or Jamich, na You Tube sensation, sa isang episode ng Magpakailanman. Hindi naman daw siguro magagalit si Aljur Abrenica kung ang kanyang ka-love team sa Kambal Sirena ay tumambal muna kay Alden, tutal naman daw ay friends ang dalawa na parehong ginagawa ngayon ang indie film na Cain at Abel.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE

DOLPHY

KAMBAL SIRENA

NILA

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with