^

Pang Movies

Erap bibiyahe sa Hong Kong para mag-sorry

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Birthday ni Manila City Mayor at former Phili­p­pine President Joseph Estrada sa darating na Sabado, April 19.

Black Saturday ang 77th birthday ni Papa Erap kaya malamang na ipagdiwang niya sa ibang araw ang kanyang kaarawan.

Pareho ng birthday sina Papa Erap at Bimby Aquino-Yap, ang anak nina Kris Aquino at James Yap. Nag-celebrate na si Bimby ng birthday noong nakaraang linggo at ngayong Holy Week, bumiyahe sila ng kanyang ina at kapatid sa Hong Kong.

April 19 din ang birthday ni Joma, ang anak ni Papa Erap. Wala sa Pilipinas si Joma dahil nag-aaral siya sa New York. Umuuwi lamang siya nang bansa tuwing Christmas at semestral break.

Magiging makabuluhan ang 77th birthday ni Papa Erap dahil nagbabalak siya na lumipad sa Hong Kong para personal na ihingi ng paumanhin ang bloody hostage taking incident na nangyari sa Quirino Grandstand noong August 2010. May mga nagsabi na pupunta si Papa Erap sa Hong Kong sa April 22.

At bilang walang issue ang Pang Masa (PM) sa Holy Friday hanggang Black Saturday, babatiin ko na si Papa Erap ng advance happy birthay at more power!

Misis ni Dennis da Silva hindi sumusuko

Hindi sumusuko ang misis ng dating aktor na si Dennis Da Silva dahil ginagawa niya ang lahat ng paraan para makalaya ang kanyang mister na matagal nang nagdurusa sa Pasig City Jail.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang asawa ni Den­nis, alang-alang sa kanilang mga anak. Kahit ma­tagal nang nakakulong ang former actor, naniniwala ang misis niya na darating ang araw na magkakasama-sama sila.

Very promising ang showbiz career ni Dennis noong nagsisimula pa lamang ito. Ipinareha siya ng Regal Films kay Ruffa Gutierrez at naging kontrobersyal ang kanilang love team.

Napapailing na lang si Ruffa kapag ipi­napaalala sa kanya ng mga re­porter ang mga paghihigpit ni Annabelle Ra­ma dahil sa closeness nila ni Dennis. Bantay-sarado noon ni Bisaya ang kanyang anak at nakatulong ito dahil nagi­sing si Ruffa sa katotohanan na puppy love lamang niya si Dennis.

Geoff walang planong makisawsaw sa pag-iyak ni Carla

Hinihintay ang reaksyon ni Geoff Eigenmann tungkol sa rebelasyon ni Carla Abellana na hiwalay na sila.

Parang mabibigo ang mga nag-aabang sa pagsasalita ni Geoff dahil kahit nagmula siya sa showbiz family, very private ang anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa. Hindi niya type na pinagpipistahan ng madlang-bayan ang kanyang personal na buhay.

Tama ang pananahimik ni Geoff dahil ipinakita niya ang pagiging gentleman. Bakit pa siya magsasa­lita eh with matching tears na kinumpirma  ni Carla sa national television ang pagwawakas ng kanilang apat na taon na relasyon?

Kung sasagutin pa ni Geoff ang mga statement ni Carla, baka humaba at manganak pa ang isyu na puwedeng humantong sa samaan ng loob.

Sure ako na masusundan pa ang pagsasalita ni Carla dahil promo period na ng pelikula niya sa Regal Entertainment na showing sa mga sinehan sa May 7. Sa ayaw at sa gusto ni Carla, kakalkalin ng press ang ibang mga detalye tungkol sa split up nila ni Geoff. Hindi na puwedeng sabihin ni Carla kay Geoff ang “So it’s you”  dahil  hindi sila ang magkakatuluyan.

vuukle comment

ANNABELLE RA

BLACK SATURDAY

CARLA

DAHIL

GEOFF

HONG KONG

PAPA ERAP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with