^

Pang Movies

Marian nanghihingi ng tulong para sa may mga kapansanan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinili pala ng National Council on Disability Affairs ng Congress headed by acting executive director Carmen Zubiaga si Marian Rivera as the Ambassador of Women and Children with Disabi­lities dahil naniniwala silang sa pamamagitan ng mga role na ginagampanan ni Marian sa kanyang mga project, alam ng actress at sympathetic siya sa pi­nagdaraanan ng mga babae at mga batang may mga kapansanan. Kaya raw humingi ng tulong ni Marian sa mga kapwa niya artista at sa publiko dahil sa kanyang popularity para suportahan ang education ng mga batang may kapansanan sa buong bansa.

Hindi tumanggi si Marian sa iniatang sa kanyang trabaho dahil natatandaan niya nang gawin niya ang Darna, maraming araw siyang nagti-taping na gamit niya ang isang braso na nakasaklay (crutches) bilang ang pilay na teenager na si Narda na nagi­ging super heroine sa pamamagitan ng isang magical stone. Inamin ni Marian na mahirap iyon kahit trabaho lamang pero paano pa sa totoong buhay na araw-araw o panghabambuhay na hinaharap ito ng mga may kapansanan? 

Minsan na ring gumanap si Marian sa isang telemovie na may kapatid siyang may Down Syndrome na pinagtatawanan din ng kapwa. 

Naniniwala si Marian na sa tulong ng kanilang kapwa, magtatagumpay pa rin ang mga taong may kapansanan. Tulad ni Jessica Cox na armless pero isang licensed pilot o ni Rosel Ambubuyog na nag-graduate ng summa cum laude from Ateneo University kahit isa siyang bulag. Kaya sa kabila ng kanyang pagiging busy sa taping ng Carmela at TV commercial shoots, lubos ang suporta niya sa Council on Disa­bility Affairs ng Kongreso.

 

Solenn tinulungang maging confidenT uli si Vhong

Sa presscon ng Da Possessed, ang comedy mo­vie na naghuhudyat sa muling pagbabalik ni Vhong Navarro pagkatapos ng traumatic experience na nangyari sa buhay niya, ay labis-labis ang pasasalamat sa lahat ng mga taong su­muporta sa kanya tulad ng kanyang fans na naghihintay na siyang mapanood muli simula sa Holy Saturday, April 19 in cinemas nationwide. 

Inamin ni Vhong na sa trauma na nangyari sa kanya, na­walan siya ng kumpiyansa sa sarili niya pero dahil sa mga taong tumulong sa kanya para muli siyang makabalik, heto at matatapos na nila ang shooting ng pelikula. 

Malaki raw ang utang na loob niya kay Direk Joyce Bernal na siyang kumausap sa kanya para magawa niya ang character na ginagampanan sa movie. 

Si Direk Joyce rin ang kumausap sa leading lady niyang si Solenn Heussaff para tulungan siyang maibalik ang confidence niya sa sarili. 

On his part, sinunod namang lahat ni Vhong ang mga advice sa kanya dahil, pagkatapos ng lahat, mahalaga pa rin sa kanya ay ang makapagpasaya siya ng mga tao.

 

Jaclyn naging instructor ni Shalala

Sabay ang opening today ng dalawang pelikulang magpapatawa sa mga manonood, ang Diary ng Pa­nget ng Viva Films tampok sina Andre Paras, James Reid, at Nadine Ilustre. Pangungunahan naman nina Shalala at Kiray Celis at ng kanilang mga special guest ang Echoserang Frog ng Scenema Concept International, sa direksiyon ni Joven Tan. 

Napanood namin ang special preview ng Echo­serang Frog at mag-spoiler na kami. Huwag nin­yong i-miss ang itinurong method of acting ni Jaclyn Jose kay Shalala.

vuukle comment

AMBASSADOR OF WOMEN AND CHILDREN

ANDRE PARAS

NIYA

SHALALA

SHY

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with