^

Pang Movies

Manager pinayuhan ang mag-asawa: Juday at Ryan may nakapaligid daw na malas kaya hindi matuluy-tuloy ang pag-renew ng kontrata

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hanggang ngayon ay hindi pa pala pumipirma si Judy Ann Santos ng bagong kontrata sa ABS-CBN. Ayon sa kanyang manager na si Alfie Lorenzo, pagkatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala teleserye ng aktres ay humi­ngi muna ito ng isang linggong bakasyon. Supposedly ay pupunta nga ang mag-anak sa isang beach.

Kaso ay nagkasakit daw si Ryan Agoncillo kinabukasan matapos iere ang last episode ng teleserye ni Juday. Mataas daw ang lagnat ng actor/TV host at nang ipa-check up ay may dengue pala.

So, humingi ng extension si Juday since nagkasakit nga ang asawa at kagagaling lang, heto’t nadale naman ng pneumonia.

Kaya hayun at patuloy daw na nade-delay ang contract-signing session nila sa ABS-CBN.

Natawa na lang kami sa sinabi ni Tito Alfie na may malas daw na nakapaligid sa mag-asawang Juday at Ryan na siyempre ay hindi na namin babanggitin kung sino.

Pinayuhan nga raw niya ang mag-asawa na layuan ang malas na ito habang hindi pa huli ang lahat.

“Tinatawanan lang nila ako, eh di sige, magsama-sama sila!” say ng manager.

Hahaha!

Allen hindi trip gumawa ng sex video

Kahit nagsimula bilang sexy actor si Allen Dizon, bilang artista ay naging maingat siya sa kanyang mga ikinikilos at never na-involve sa mga eskandalo lalo nga ang mga sex video scandal na ’yan.

Considering na sexy actor nga si Allen, mas expected nga na siya pa ang ma-involve sa mga ganyan pero ayon sa aktor it’s not his style.

“Hindi ko sisirain ang respeto ng mga tao sa akin, lalung-lalo na ang respeto ng ka-partner ko. Hindi ’yan normal para sa akin,” say ng leading man ni Bangs Garcia sa indie film na Lauriana.

Hindi raw siya pabor talaga sa gawaing kailangan pang i-video ang pagse-sex ninyong dalawa. Pero siyempre, kanya-kanya naman daw trip ’yun.

“Trip nila ’yun eh. Ako, hindi ko trip ’yun. Kumbaga, ginagawa mo na nga, bakit kaila­ngan mo pang i-video?” say niyang natatawa.

“Eh paano nga kung nag-leak ang video? Ang dami nang ganyan, ano?”

Hindi niya napapanood pa ang sinasa­bing sex video ni Wally Bayola at may nagkuwento lang sa kanya. Pero wala naman siyang balak panoorin.

Samantala, humanga ng sobra si Allen kay Bangs sa napakahusay na portrayal ng aktres sa Lauriana na idinirihe ni Mel Chionglo. Siya mismo ang nakaisip na kunin ito para sa nasa­bing title role at mabuti na lang daw at tinanggap ng aktres.

Lalo siyang humanga kay Bangs dahil ma­ging sa love scenes nila ay todo-bigay ang aktres at walang kakiyeme-kiyeme.

Sensitibo ang kuwento ng Lauriana at say nga ni Allen, deserving manalo ng award dito si Bangs.

Mapapanood ang Lauriana sa lahat ng SM Cinemas nationwide mula Sept. 11-17.

Noel Cabangon magpapa-throwback

Sept. 11 will be a throwback Wensdate since you’ll be listening and enjoying the sounds of ’70s, ’80s, and even ’90s. Hindi naman holiday dahil ito ay regular na weekday at higit sa lahat dalawang araw pa bago mag-weekend pero feeling Friday night na.

Puwes, ipagpag ang feelings na ’yan sa Moomba Bar Cafe, on September 11, 7:30 p.m., a Wednesday, pakinggan, makikanta, makisayaw, at makitambol sa himig nina Bobby Mondejar & Friends kasama ang baritone voice of the Philippines na si Noel Cabangon.

Para sa detalye at tickets makipag-ugnayan kay Ms. Blenda 0932-8495778 at kay Ms. Paz sa Moom­ba sa tele­pono bilang 371-1973; 371-2487; 431-9431; 373-2487 o kaya i-like sa Facebook ang https://www.facebook.com/BobbyMondejarFriends

vuukle comment

ALFIE LORENZO

ALLEN DIZON

BANGS GARCIA

BOBBY MONDEJAR

JUDAY

LAURIANA

NOEL CABANGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with