^

Pang Movies

Matapos sapawan ng eleksiyon, showbiz back to normal na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Back to normal na ang showbiz after ng ilang buwan din na halos natakpan ang mga balitang artista ng mga campaign publicities ng mga kumandidato sa katatapos na eleksiyon noong Lunes, May 13. Ang mga artistang pansamantalang huminto sa pagtanggap ng projects, balik na rin sa acting. Balitang si Christopher de Leon ay balik-TV5 sa isang soap na pagbibidahan niya.  Wala pang detalye kung sino makakasama niya.

GMA sabay-sabay ang gagawing mga bagong programa

Sa GMA Network compound, last Tuesday, maghapong busy ang mga production staff at mga artista, dahil bukod sa sabay-sabay na taping ng mga shows na hindi nakapagtrabaho noong Monday, sabay-sabay din ang pictorials at story conferences ng mga upcoming shows nila.

Publicity pictorials ng cast ng My Husband’s Lover at pagkatapos ay storycon ng cast, sina Carla Abellana, Dennis Trillo, ang bagong lipat na si Tom Rodriguez sa GMA from ABS-CBN, Victor Basa, under Dominic Zapata. Totoo kayang may mga passionate love scenes sina Dennis at Tom na parehong gaganap na gay? Si Tom ay isang closet queen na asawa ni Carla, pero si Dennis, open ang kanyang pagka-gay.  Papalit ito sa Love & Lies sa June 10

Iba rin kapag mahusay kang actor, balitang three soaps ang ini-offer kay Mike Tan, pero ang pinili niya, ang primetime soap na Mga Basang Sisiw na magri-reunite sa kanila ng dating girlfriend, na si LJ Reyes, na balitang hiwalay na sa boyfriend na si Paulo Avelino. Kasama rin sa bagong programa sina Lani Mercado, Raymond Bagatsing, Gardo Versoza. Sila ang papalit sa Indio.

Nag-plug shoot din ang cast ng iri-remake na youth-oriented soap na Anna Karenina na magtatampok kina Barbie Forteza, Joyce Ching, Krystal Reyes, Derrick Monasterio, Julian Trono, at Hiro Magalona.

Nag-pictorial at story conference na rin ang rom-com drama series na With a Smile na magtatampok kina Ysia (Andrea Torres), Aston (Christian Bautista) at Dean (Mikael Daez).  Happy si Christian dahil first starring role niya ito. Kahapon ay pumunta ng Indonesia si Christian para mag-guest sa Eat Bulaga Indonesia pero balik siya agad dahil magsisimula na silang mag-taping ng afternoon prime soap na mapapanood na simula sa June 10.

 

vuukle comment

ANDREA TORRES

ANNA KARENINA

BARBIE FORTEZA

CARLA ABELLANA

CHRISTIAN BAUTISTA

DENNIS TRILLO

DERRICK MONASTERIO

DOMINIC ZAPATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with