^

Pang Movies

Matronang celebrity, nakikipag-compete sa mga beki!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming beki ang inggit na inggit sa isang matronang celebrity. Lahat kasi ng poging aktor na magustuhan ay natitikman niya.

Komento ng isang mataray na kritiko, hindi talaga uubra ang mga beki sa aktres dahil bukod sa isa itong tunay na babae, madatung pa.

Whatever she wants, she gets daw. Pero hindi kaya natatakot ang aktres sa HIV na baka madale siya dahil connected sa mga bakla ang ibang nakukuha niya?

Aga napagdiskitahan sa pagiging tisoy?!

Questionable pa ba naman citizenship ni Aga Muhlach bilang isang Pilipino gayung dito siya ipinanganak hanggang magka-pamilya? Ginawang malaking isyu ang pagiging mestiso ng aktor.

Bikolano talaga ng lahi ni Aga, pati na sina Amalia Fuentes na tita niya at ang pinsang si Niño Muhlach.

Dating walang hilig sa pulitika si Aga pero takda ng tadhana at nag-utos na sundin niya, bukod pa sa pangarap ng taong bayan na makatulong siya, kaya sana huwag kislap ng pera ang pumigil sa pangako ni Aga.

Singer ng Pusong Bato masama ang loob sa composer!

Naging emotional ang singer-actress na si Aimee Torres, ang nagpasikat ng Pusong Bato. Napaiyak si Aimee sa harap ng press dahil feeling niya, naapi naman siya nang sinasarili ng composer ang kanta na nakuha na pala niya ang rights noong May 3, 2003. Binili ng kanyang amang si Manuel Torres ang naturang komposisyon ni Renato Alou sa halagang P140,000, kasama ng sampu pang awiting composed nito.

Ini-release ng GMA 7 noong 2003 ang carrier single under Concorde Records.

Personal…

Pagbati ng maligayang kaarawan kina Janet Yu aka Amanda Amores (Nov. 5) at sa kanyang anak na si Michelle China Yu (Nov. 12) na magde-debut na.

                                                    

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

AIMEE TORRES

AMALIA FUENTES

AMANDA AMORES

CONCORDE RECORDS

JANET YU

MANUEL TORRES

MICHELLE CHINA YU

PUSONG BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with