^

PM Sports

May nanalo na: Cavs sinibak ang Pacers

Pang-masa
May nanalo na: Cavs sinibak ang Pacers
Si LeBron James ng Cleveland laban kay Myles Turner ng Indiana.

INDIANAPOLIS -- Bagama’t winalis nila ang Indiana Pacers ay ikinunsidera pa rin ni LeBron James ang kanilang karibal na isang mahusay na koponan.

“Once again, we just had to weather the storm,” ani James sa laro kontra sa Indiana ni Paul George. “We beat a very good team.”

Nagpasabog si James ng 33 points at humaltak ng 10 rebounds para pamunuan ang NBA champions na Cleveland Cavaliers sa 106-102 panalo laban sa Pacers at walisin ang kanilang first-round playoff series.

Dinomina ng Cavaliers ang Pacers, 4-0 sa kanilang best-of-seven Eastern Conference first-round matchup.

Ang susunod nilang haharapin ay ang mananalo sa pagitan ng Toronto Raptors at Milwaukee Bucks.

Kumonekta si James ng isang three-pointer para ibigay sa Cleveland ang 103-102 abante at nakaagaw ng bola na nagresulta sa dalawang free throws ni Kyle Korver para sa kanilang 105-102 kalamangan.

Matapos ang mintis na tres ni George ay hinablot ni James ang rebound para sa kanyang free throw at sa final score.

Sa Oklahoma City, nakalapit ang Houston Rockets sa pagsibak sa Thunder nang kunin ang 113-109 panalo para sa kanilang 3-1 bentahe sa first-round playoff series nila.

Kumamada si center Nene Hilario ng team-high 28 markers habang nagdagdag sina Eric Gordon at Lou Williams ng tig-18 points para sa Rockets na may tsansang isara ang serye nila ng Thunder sa Martes sa Houston.

Nagtala lamang si Rockets superstar James Harden ng 5-of-16 fieldgoal shooting kasama ang pitong sunod na mintis sa 3-point line.

Muling pinamunuan ni Russell Westbrook ng Oklahoma City mula sa kanyang triple-double na 35 points, 14 rebounds at 14 assists.

Nakumpleto ni Westbrook ang triple-double sa first half para maging ikalawang player sa NBA history na nagtarak ng tatlong sunod na playoff triple-doubles.

Sa Chicago, sinayang ng top-seeded na Boston Celtics ang ipinosteng 20-point lead sa first half subalit nakabalik sa kanilang isipan para gibain ang Bulls, 104-95 at itabla sa 2-2 ang kanilang serye.

vuukle comment

CAVS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with