^

PSN Opinyon

Sino ang bayani?

Panaginip Lang -

ANG bayani ay isang mamamayan na tunay na nagma-hal sa bayan sa pamamagitan ng paggawa ng mga mabubuting bagay upang mabigyang karangalan ang bansa sa larangan ng sports at iba pang aspeto ng buhay. 

Ang bayani ay isang mamamayan na nagbuwis ng buhay gaya ng mga kawal o guerilla na nakipagdigma sa mananakop.

Ang bayani ay isang mamamayan na nanungkulan sa gobyerno gaya ng mga ordinaryong mga guro na kahit maliit ang suweldo ay ginawa ang tungkulin. Isama na rin ang mga kawani ng gobyerno na tinupad ang tungkulin kahit sa kakarampot na suweldo at tumangging gumawa ng katiwalian. 

Ang bayani ay mga mamamayan na sinugal ang buhay upang matulungan ang kapwa niya gaya ng mga sumagip ng buhay ng mga nalulunod, nasunugan o nabiktima ng lindol. 

Marami pang description ang bayani pero kahit kelan hindi magiging halimbawa ng bayani ang isang humuthot sa pera ng bayan, nagpahirap sa sambayanan at nagpapatay ng mga kalaban sa pulitika. 

Hindi rin bayani ang nag-umpisa ng organisadong corruption sa ating bayan at sumira sa iba’t ibang institution lalo na ng military. 

Tama si President Noynoy Aquino na huwag paya­gang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pre­sident Ferdinand E. Marcos na bagama’t maaaring naging kawal o guerilla noong panahon ng Hapon, binura ang pagiging makabayan sa pagdedeklara ng martial law, paghuthot sa pera ng bayan at pagpapahirap sa mamamayan sa mahigit 20 taong pamumuno.

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]

vuukle comment

BAYANI

FERDINAND E

HAPON

ISAMA

LIBINGAN

MARAMI

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with