^

PSN Opinyon

Brain drain

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISANG malaking problema ang “brain drain”, o pag-alis ng mga Pinoy propesyonal para magtrabaho sa ibang bansa. Sari-saring propesyonal ang nagpasyang magtrabaho sa ibang bansa dahil maganda ang sahod at benepisyo. Hindi sila masisisi, dahil hangad naman ng bawat tao ay magkaroon ng ginhawa sa buhay para sa pamilya at para sa sarili. Ang masamang epekto, nawawalan ng mga propesyonal ang bansa.

Katulad ng pagbitiw sa trabaho ng ilang piloto ng Philippine Airlines (PAL), para tumanggap ng trabaho bilang piloto ng ibang kompanya sa ibang bansa. Malayo ang pasahod ng mga ibang airline kumpara sa PAL. Ang problema lang, tila lumabag sa kontrata ang mga piloto, dahil basta na lang sila bumitiw at hindi nagbigay ng palugit na anim na buwan, na nakasaad sa kontrata. At dahil PAL ang nag-abono ng kanilang training para maging piloto, hindi pa raw kumpleto ang serbisyo para lubusang mabayaran ang kanilang inabono. Sa madaling salita, hindi pa bayad ang kanilang utang sa PAL. Dahil sa pagbitiw ng mga piloto, naapektuhan ang schedule ng mga eroplano. May mga nakanselang lipad.

Hindi lang mga piloto ang nagpapasyang magtrabaho sa ibang bansa. May mga doktor, nurse, physical therapists, occupational therapists, seamen, inhinyero, mga IT at software developers at marami pang iba. Ang Pilipinas tuloy ang nawawalan ng mga magagaling na propesyonal. May nakausap nga akong foreigner na ma-galing sa computer software, na kaya dito nag-desisyong magtrabaho, dahil ang mga Pilipinong software developer ay nagsialisan na. Kaya maganda ang nakukuha niyang trabaho rito. Kabaliktaran!

Ito ang kailangang pag-aralan din ng DOLE, DTI at NEDA. Ang mga nurse ay kailangang magtrabaho muna ng dalawang taon dito, bago makaalis para magtrabaho sa ibang bansa. Dapat siguro lahat ng propesyonal ay sakop sa ganyang patakaran. Para naman nakikinabang muna ang bayan sa kanilang propesyon. Kung mag-aalisan lahat, paano ang mamamayan? Paano uunlad ang bansa, kung ang mga magagaling na Pinoy ay sa ibang bansa binibigay ang kanilang galing? Palakasin ang ekonomiya ng Pilipinas para wala nang dahilang umalis ang lahat, hindi lang mga propesyonal.

vuukle comment

ANG PILIPINAS

BANSA

DAHIL

DAPAT

IBANG

PARA

PHILIPPINE AIRLINES

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with