^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo

-

NAKAKATAKOT ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo at marahil hindi pa ito nalalaman nang mga naninigarilyo. Kulang pa sila sa im­por­masyon hinggil sa mga nakamamatay na sakit. Na­ngunguna sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo ay ang cancer sa baga. Sa isang TV program, ipinakita ang itsura ng mga baga (lungs) ng isang smoker at nakaririmarim ang itsura. Animo’y kapirasong inihaw na karne. Nasunog at nalason ng nikotina.

Bukod sa kanser sa baga, nagdudulot din ng can­cer sa lalamunan, leeg at bibig at sakit sa puso ang paninigarilyo. Ang kemikal na taglay ng tabako ay nagdudulot ng cancer sa suso. Ang usok ng sigarilyo ay nagdudulot ng asthma at nagiging dahilan din ng pagkawala ng kakayahan na makipagtalik. Na­giging inutil sa pakikipag-sex ang mga lalaking naninigarilyo.

Maganda namang malaman na ang mga larawan ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay malapit nang makita sa mga kaha at pakete ng sigarilyo. Kaya sa mga darating na araw ay huwag nang mag­taka kung makita ang larawan ng isang lalaking may malaking bukol sa leeg. Ang bukol sa leeg ay nakuha niya sa paninigarilyo. Huwag nang magtaka kung makita ang larawan ng isang lalaki na butas ang lalamunan. Dahil iyon sa paninigarilyo. Makikita rin ang larawan ng lalaking may cancer sa bibig.

Ang paglalagay ng mga larawan sa pakete o kaha ng sigarilyo ay nakapaloob sa Administrative Order No. 2010-0013 na inisyu ng Department of Health (DOH).

Sa ibang bansa, matagal nang may larawan ang kaha o pakete ng sigarilyo. Ito ay para magbigay ng babala sa mga naninigarilyo nang kanilang ka­ha­hantungan kapag hindi tumigil sa pagyoyosi. Ang Pilipinas ay ngayon lamang ipatutupad ang pag­lalagay ng larawan sa kaha ng sigarilyo. Pero hindi pa naman ganap na huli ang lahat at maaari pang ma­pigilan ang maraming Pinoy na itigil na ang nakamamatay na bisyo. Sakit lamang at gastos ang ibibigay ng bisyong ito.

Mas magiging epektibo naman sana ang kam­panya laban sa paninigarilyo kung pati ang mauu­pong presidente ng Pilipina ay tatalikuran na ang paninigarilyo. Pero sabi nang mauupong presidente Benigno “Noynoy” Aquino III, hindi pa ngayon ang tamang panahon para itigil ang paninigarilyo subalit darating din ang araw na iyon.

Sana nga, para naman hindi siya magkasakit sa panahon ng kanyang panunungkulan.

vuukle comment

ADMINISTRATIVE ORDER NO

ANG PILIPINAS

AQUINO

DEPARTMENT OF HEALTH

LARAWAN

NANG

PANINIGARILYO

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with