^

PSN Opinyon

Boses ng Probinsiya sa Senado

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MALAKI na ang nalulugi sa hanay ng vegetable farmers bunga sa naglilipanang smuggled na sari-saring gulay sa mga supermarkets at pamilihang bayan sa bansa. Kung noon, ang vegetable industry ay nakapag-generate ng average na P25 billion kada taon, sa ngayon ay hindi na. Kaya’t ang mga vegetable farmers natin sa Ilocos, Cordillera, Central Luzon, Pangasinan, Southern Tagalog at Benguet na nagsu-supply ng halos 80% hanggang 85% ng gulay sa Metro Manila ay hilong-talilong na sa ngayon. Hindi kasi nila makayanang labanan ang presyo ng mga smuggle na gulay nga. At sa totoo lang mga suki, kahit mayroon pang batas tayo na R.A. No. 8800, para i-safeguard o protektahan ang kapakanan ng local farmers, eh, malaki ang posibilidad na matatabunan ang lokal na gulay ng mga smuggled na gulay. At sino ang kasagutan sa problemang hinaharap sa ngayon ng mga local farmers? Eh di si Administration senatorial candidate Luis "Chavit" Singson. Bakit? Magandang tanong ’yan ah, di ba mga suki?

Si Singson kasi na siyang "Boses ng Probinsiya sa Senado" ay gustong isulong ang kapakanan ng local farmer sa pamamagitan ng pag-endorso ng mga batas para protektahan sila laban sa smugglers ng mga gulay sa bansa. ’Ika nga, gusto ni Singson na hirangin siya na "Kampeon ng Magsasakang Pilipino". Habang naglilipana kasi ang mga gulay tulad ng onions, cauliflower, broccoli, cabbage, lettuce, carrots, turnips, radish, cucumber, celery at spinach sa supermarkets at pamilihang bayan, dinudurog ng mga ito ang local vegetable industry.

Hindi naman kaila sa atin mga suki na karamihan sa magsasaka ay nagtatanim ng gulay para madagdagan ang kakarampot na kita nila. Pero kung wala namang magandang programa ang gobyerno natin para isulong ang industriya nila, eh lalamunin sila ng mga vegetable smugglers. Maging ang House Resolution No. 507 nga ay nagsasaad na, "Filipino vegetable farmers are …grossly disadvantaged by persistent government neglect in providing support for farm inputs, cheap credit, irrigation, post harvest facilities, and other infrastructure which are given drastically falling priority in the national budget since the mid-1990’s." O hayan mga suki! Maliwanag na napabayaan na ng gobyerno ang local farming industry.

Kapag nasa Senado na ang "Boses ng Probinsiya", ang una niyang gagawin ay ang pag-enact ng batas para isulong ang kapakanan ng local vegetable farmers sa pamamagitan ng pag-adopt ng modern technology sa pag-produce ng gulay at kasama na riyan tiyak ang government subsidy. Ang estratihiya ni Singson ay nakasentro rin para lutasin ang masalimuot na problema ng Philippine vegetable industry tulad ng bad weather condition, mga insekto at kung anu-ano pang uri ng sakit at maging ang walang coordination sa mga vegetable producers na kadalasan ay naging sanhi ng over-production ng mga gulay nga. Siyempre, gusto rin ni Singson na maging sinsero ang gobyerno sa pagpa-implement ng RA 8800 para masawata nang tuluyan ang vegetable smuggling.

Kung ang gobyerno ay kayang protektahan ang petrochemical industry sa pag-isyu ng EO 161 noong 2003, kung saan na-suspend nito ang tariff rate reduction ng petrochemical products, walang dahilan para hindi ito gawin sa vegetable industry kung saan ang mga local farmers ang magbi-benepisyo. Kaya ’wag kalimutan si Singson sa Senado!

vuukle comment

GULAY

PARA

SENADO

SINGSON

VEGETABLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with