^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Atletang may kapansanan nararapat na suportahan

-
PINAGBAKASYON sa Hong Kong ang mga atletang Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games. Tatlong araw na bakasyon grande sila sa Hong Kong, kaloob ni First Gentleman Mike Arroyo. May kabuuang 113 ginto ang nahakot ng mga atletang Pinoy. Bukod sa bakasyon sa Hong Kong, tatanggap din ang mga atleta ng cash incentives. Si President Arroyo ang mamamahagi ng cash sa mga atleta na nagkakahalaga ng P22 milyon. Ngayong araw na ito ipapamahagi ang cash.

Habang namumutiktik ang bulsa ng mga mahuhusay na atleta, katatapos lang ng 3rd Asean Para Games kamakalawa. Nasa ika-anim na puwesto ang Pilipinas na nakahakot ng 22 gold, 41 silver at 37 bronze. Nanguna ang Thailand; Vietnam, second; Malaysia, third; Indonesia, fourth Myanmar, fifth; Singapore, seventh at Brunei, eight.

Nagpakita ng kakayahan ang mga atletang Pinoy na may kapansanan. Sa kabila ng kanilang kalagayan – may polio, bulag, iisa ang paa – nagbigay sila ng karangalan sa bansa. Kahit na pang-anim na puwesto, ipinakita nilang kayang-kaya rin nilang makipagsabayan sa mga katulad nilang atletang may kapansanan.

Pero sa kabila nang ipinakita nila, tila hindi naman sila nabibigyan ng suporta ng gobyerno. Ang kanilang nahakot na ginto ay tila hindi nakaakit sa mga sports officials ng bansang ito at nakapokus lamang sa mga atletang Pinoy sa nakalipas na 23rd Asean Games. Lasing pa yata ang mga sports officials sa kaligayahan kaya hindi napapansin ang kalagayan ng mga atletang may kapansanan.

Kailangan pa umanong magpalimos ng uniporme ang mga atletang may kapansanan. Hindi parehas ang gobyernong ito sa pagtrato sa mga atletang may kapansanan. Habang ibinubuhos nila ang maraming pera sa mga atleta noong nakaraang Asean games, namumulubi naman ang mga kaaawa-awang atletang may kapansanan na ang uniporme nga ay kailangan pang pagpalimusan.

Si President Arroyo mismo ang lumagda sa Republic Act 9064 o ang "Sports Benefits and incentives Act" noong 2001. Hindi ba maaaring maging permanente ang pagsuporta sa mga atletang may kapansanan, batay sa nakasaad sa batas? Nasaan naman ang konsensiya kung binibigyan nila nang lubusang pagkalinga ang mga atletang matitipuno, bakit hindi rin gawin sa mga may kapansanan na nakahahakot din naman ng ginto at nagbibigay ng karangalan sa bansa.

vuukle comment

ASEAN GAMES

ASEAN PARA GAMES

ATLETANG

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HABANG

HONG KONG

KAPANSANAN

PINOY

SI PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with