^

PSN Opinyon

Alipores ng Malacañang, protektor ng kidnapper

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
PINIPILIT ng ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na may ilang pulitiko na nagbibigay proteksiyon kapalit ng malaking halaga na galing sa mga kidnap for ransom gangs.

Aaminin kong ayaw nating maniwala at iniisip nga natin ay palusot lang ng ilang mga opisyal dahil hindi nila maresolba ang problema ng talamak na kidnapping hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa.

Tayo ay nagtanong sa ilang mga kaibigang pulis, retirado at aktibo at sinabi nila na may proteksiyon nga ang ilang mga kidnap for ransom gang sa ilang mga opisyales ng gobyerno, lalo na raw alkalde ng mga siyudad sa probinsiya o di kaya’y mga opisyal ng barangay.

Pinaliwanag din sa atin na karamihan sa kanila ay hindi naman direktang kasangkot kung hindi nagbubulag-bulagan sa aktibidades ng mga kriminal na ito na nagtatago at nagpapalamig sa tagong lugar kung saan sila  ay kilala at kinatatakutan sa malayong barangay o mahal ng kapitbahay dahil sa pagiging galante gaya ng mga miyembro ng Kuratong Baleleng.

Sa madaling salita, paliwanag ng isang retiradong heneral, proteksiyon lang na magkaroon ng maganda at tahimik na taguan at ang kapalit ay kontribusyon sa ilang mga opisyal ng barangay at munisipyo o siyudad pagdating ng eleksiyon.

Karamihan din ay nagiging makapangyarihan at kailangang ligawan ng mga kandidato dahil hawak ang mga local na lider.

Nangulit tayo at muling nanaliksik at laking gulat ng ituro tayo ng isang aktibong opisyal ng PNP sa mga litrato at impormasyon ng National Anti Kidnapping Task Force (NAKTF) sa Philippine STAR noong Lunes.

Sampu ang wanted sa kidnapping at apat dito ay miyembro ng Fajardo Gang.  Sa apat na ito, tatlo ay taga-Bgy. Suplang, Tanauan, Batangas.  Pinuntahan natin ang lugar na ito at ating natuklasan malayo ito sa kabayanan ng Tanauan, kokonti ang mga bahay at puro taniman ng tubo at napakadilim sa gabi dahil walang ilaw sa kalye.  Nagkalat din ang mga "bilot" at biro ng kasama natin "pampu" o asong pampulutan sa kalye.

Maaga pa lang ay tulog na ang mga residente at laking gulat ng ating kaibigang taga bayan ng Tanauan ng nagpasama akong mag-ikot sa lugar.  Narating natin ang Bgy. Suplang at Malaking Pulo pero hindi tayo pinayagang bumaba man lang o magtanong dahil kakampi o di kaya’y takot ang mga taga roon.

Ang "ginagalang" sa lugar ay si Mang Ude, kasalukuyang opisyal ng barangay at  malamang na tumakbong konsehal sa susunod na eleksiyon.  Kaapilyido rin ni Mang Ude ang isang kilalang angkang pulitika sa Bauan, Batangas. Inaalam pa natin kung kamag-anak nila.

Si Mang Ude ay nagbago na raw bagamat kilala siya bilang GodFather o Ninong sa lugar na yon. Ang naturang lugar ay sinasabi rin ng ibang Batangueño na taguan ng mga guns for hire o professional killer at iniiwasan din hindi lang ng taga-Tanauan, kung hindi iba pang lugar sa Batangas gaya ng  Lipa, Batangas city, San Pascual, Taal, Sto. Tomas at iba pa.

Inalam natin sino ang Mayor, gulantang tayo, si Mayor Alfredo Corona ng partido Lakas-NUCD at  kapatid ni Supreme Court Justice Renato Corona.  Pamilyang nabibilang sa tunay na malapit kay Madam Senyora Donya Gloria.  Pinaalala sa atin na si Justice Corona ang unang spokesman ni Madam Senyora Donya Gloria sa unang araw niya sa Malacañang.

Nagtatanong la-ang katulong rin ba sa paglalaba ng tubal (laundry) na pera ng mga kidnapper ang isang dating mataas na opisyal ng Malacañang na taga-Batangas din at alam nating eksperto sa money laundering hindi lang sa Hong Kong kung hindi sa Switzerland pa.

Muli nagtatanong la-ang, alam kaya ni Justice Corona at Mayor Corona ang kutang ito ng Fajardo gang?  Pangulong Gloria may tinatago sila sa inyo? Ano ga?
* * *
Ilathala natin uli ang ilang text messages na  natanggap natin bagamat karamihann ay tungkol sa pulitika.  Ang mga text messages ay opinion ng mga mambabasa at hindi po sa atin. Narito po:

C angara ang hadlang sa paguusap ni lacson at fpj. –09163191717; Sana naman c angara pabayaan na lng nya muna ung dalawa makapag-usap para naman matapos na ung gulo sa oposisyon. –09194512864;

Duda tlga kmi ky angara, non p man sa Diary ni Pres. Erap hnd kya sya pkawala ng Malacañang? –09185155279; Ky angara kung may galit ka sa magkapatid na Zamora, huwag idamay c sen. lacson unfair naman doon sa tao. –09194512864;

Sana magkasundo na cla fpj at lacson para sa bayan. Kayo ang pagasa ng ating bansa. –09196558059; Dpat magresign na yan c ebdane nakakahiya ka na. –09167282999.

Talagang my tinatago yang mga opcyal n yan at pti c gma kaya nakialam c gma pra wag mabulgar ang particpasyon n jose pidal na naman. –09197265437; LORD PLS. GIVE US A PRESIDENT NA D KURAKOT! IPOKRITA! POLITIKA ANG INUUNA! SINUNGALING! GIVE A LEADER THAT CAN ERADICATE POVERTY! AMEN. –09182894775;

Mga  human ryts kinakmphan pa ung mga criminal, sna cla na lng mabiktima ng sa ganun mramdaman nla ung mga biktima d na nla inintindi. –09167434358; Bigyan sana ng pansin ng ating gobyerno ang problema sa illegal recruiters isama na rin sana ang mga ito sa death penalty law. –09195838065.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y magtext sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

vuukle comment

BATANGAS

ILANG

JUSTICE CORONA

LANG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

TANAUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with