Pasyon: Kay Kristo o pang-superbiyo
March 21, 2002 | 12:00am
Next week is Holy Week again. Panahon ng pangingilin, penitensya at pagbasa ng Pasyon.
Tradisyon palibhasa, marami pa rin ang lumalahok sa mga pabasa. Walang masama. Ang tanong lang ay, alam kaya nila ang tunay na kahulugan ng kanilang binabasa?
Baka naman pagsunod lang ito sa kanilang taunang panata.
Kung uugatin sa kasaysayan, ang pabasa sa Pilipinas ay hindi dikreto ng Simbahang Katoliko. Katunayan, ang mga prayle noong panahon ng Kastila ay galit sa nilalaman ng Pasyon na anilay "heresiya" o pagsalungat sa paniniwala ng simbahan.
Pero sa totoo lang, nasasaktan sila sa nilalaman ng Pasyon na pagbanat sa umiiral na pamahalaang Kastila noon.
Ang unang pasyon sa ating wika ay nalimbag noong 1704. Many other versions emerged with unknown authors until 1804.
Kaya itoy "niretoke" ng mga paring Español. Isiningit nila ang bahagi ng Pasyon na ngayoy tinatawag na "Aral" na wala namang kaugnayan sa biblikal na kasaysayan ng Panginoong Jesu-Cristo. Sinamantala nila ika nga ang pagkahaling ng mga Indio (taguri sa mga sinaunang Pilipino) sa pagbabasa ng Pasyon.
Ang dahilan nitoy binago ng Pasyon ang isip ng mga sinaunang Pilipino. Tinuruan silang mag-aklas at labanan ang mga dayuhang kolonyalista. Ang pabasa ay ginawang daan upang maihayag ang kanilang mga hinaing laban sa mapagmalabis na pamahalaang Kastila.
Kung titingnan sa anggulong ito, lumalabas na ang Pasyon ay subersibong literatura para kondenahin ang pagmamalabis ng mga dayuhang mananakop.
Naging basehan ito ng komunikasyon ng mga kasapi ng Confradia de San Jose, organisasyong binuo ni Apolinario Mabini (alyas Hermano Pule) noong 1830s.
Maging ang mga huling araw ni Gat Jose Rizal ay ipinadron sa mga huling araw ni Jesu-Cristo.
Ayon kay Rafael Ileto, Jr., nagsilbing inspirasyon ang Pasyon ng Rebolusyon noong 1896. Nasalamin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang sarili sa katayuan ni Jesu-Cristo (isang maralita) na pinasakitan ng mga saserdote (mayayaman) at gobernador (kumakatawan sa mga dayuhang mananakop).
Ang tunay na diwa ng Pasyon ay ang salaysay ng buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo. Walang labis, walang kulang. Isang dakilang mensahe na batayan ng ating espirituwal na kaligtasan.
Binabati ko si Pastor Ed Lapiz na bumuo ng bersyon ng Pasyon na hango sa purong Salita ng Diyos. Ang pamagat nito ay "Ang Pasyong Kristiano."
Kung ibig ninyong marinig ang pagbasa sa Pasyong ito, dumalo sa Pasyong Kristiano na gaganapin sa Marso 23 (Sabado) mula 9:00 am hanggang 5 pm sa Makati Cinema Square, Pasong Tamo, Makati City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended