^

PSN Opinyon

Editoryal - Ekonomiyang niyanig ng jueteng

-
SUMADSAD sa pinakamababang halaga ang piso kontra sa dollar, P48.50. Pinakamababa ito kung ikukumpara sa nangyaring financial crisis na nangyari tatlong taon na ang nakararaan. Isa sa itinuturong dahilan ng pagbulusok ng piso ay dahil sa jueteng scandal na kinasasangkutan ni President Estrada. Gumapang nang gumapang pababa ang piso mula nang "kumanta" si Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson. Habang patuloy ang pagbubulgar, matamlay ang stock market at marami ang naniniwala na magpapatuloy pa ang pagbagsak ng piso hanggang sa umabot ito ng P50.

Hindi lang naman ang pagyanig sa Estrada administration ng jueteng scandal ang itinuturong dahilan ng pagbagsak ng piso, itinuturo rin ang kaguluhan sa Middle East na dahilan para tumaas ang presyo ng langis. Sa mga report ay inaasahang tataas pa ng P2 ang bawat litro ng gasolina bago matapos ang taong ito. At napipinto ang pagtaas ng iba pang pangunahing bilihin kung mangyayari ito. Nagtaas na noong nakaraang Lunes ng pisong pamasahe ang mga pampasaherong dyipni at bus.

Nakadaragdag din sa paghina ng piso ang paghinto ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang dollar remittances sa bansa. Batay sa mga report mula nang gumapang ang piso pababa, ay iniipon na lamang ng mga OFW ang kanilang dollar sa abroad. Bago pa pumutok ang jueteng scandal ay naalarma ang mga OFW sa nangyayaring kaguluhan bunga ng kidnapping na ginawa ng mga Abu Sayyaf at nag-urung-sulong na sila sa pagpapadala ng dollar. Ang iba nama’y hindi na sa banko pinadadaan ang kanilang dollar at sa pamamagitan na lamang ng door-to-door remittances. Noong nasa krisis ang bansa, ang remittances ng mga OFW ang nagsalba para bumangon ang ekonomiya at masakit isiping sa nangyayari ngayong kaguluhan sa bansa, nawawalan na sila ng tiwala kaya minamabuting ipunin ang kanilang dollar sa bansang kinaroroonan.

Patuloy ang pagtaas ng langis, pagbaba ng piso at patuloy din ang kontrobersiya ng jueteng. Ano pa ang susunod na krisis? Makabubuting pagtuunan ng taumbayan ang pagtitipid sa ganitong sitwasyon. At dapat pangunahan ito ng gobyerno. Dapat sila ang maging example. Magtipid sa paggamit ng enerhiya at pagbawalan ang mga maluluhong opisyal sa pagtungo sa abroad na gagasta ng dollar. Paigtingin din ang paghahanap sa iba pang alternatibong pagkukunan ng langis.

Bakit ba ang Thailand na unang tinamaan ng financial crisis ay nakabangon at naunahan pa ang Pilipinas. Marahil ay may malinaw na tinutungo at mabuti ang liderato sa Thailand. Ito ang kailangan ng Pilipinas.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANO

BAKIT

DOLLAR

ILOCOS SUR GOV

MIDDLE EAST

PILIPINAS

PISO

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with