^

PM Sports

Jokic ‘di tiyak kung sasabak sa EuroBasket

Pang-masa

DENVER - Wala pang katiyakan kung maglalaro si Nuggets center Nikola Jokic, iginiya ang Serbia sa gold medal game ng nakaraang Rio Olympics, kung saan kakatawanin niya ang kanyang bansa para sa EuroBasket 2017.

Sinabi ni Jokic na nasasabik siyang bumalik sa Serbia para sa offseason ngu-nit hindi sigurado kung kailan babalik sa United States.

“I don't know when I'm coming back (to Denver) because of the national team,” wika ni Jokic nang tanungin sa kanyang pagbabakasyon sa Serbia. “I need to think about that. I'm going to see.”

Ginawa ng second-year big man, nagtala ng mga averages na 16.7 points at team-high na 9.8 rebounds sa 2016-17 NBA campaign ng Denver, ang komento matapos sabihin ng kanyang agent na gustong tiyakin ng Nuggets na nasa maganda siyang kondisyon para sa susunod na NBA season.

Si Jokic ang tanging NBA player na naglaro para sa Serbian team na kumuha ng silver medal matapos talunin ng Team USA sa Rio Olympics.

Idaraos ang EuroBasket sa Finland, Israel, Romania at Turkey.

vuukle comment

NIKOLA JOKIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with