^

PM Sports

Tamaraws kontra sa Tigers sa knockout match sa Final 4

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Aarangkada nga-yong hapon ang semifinal round ng men's division ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Tampok sa nag-iisang laro ang knockout match ng Far Eastern University at University of Sto. Tomas sa ganap na alas-2.

Gagamitin ang stepladder format sa semis ngayong taon bunga ng 14-0 elimination round sweep na ginawa ng back-to-back defending champions na Ateneo Blue Eagles.

Ito ang pangatlong beses na maghaharap ang FEU at UST nga-yong season kung saan nanaig ang mga Tamaraws sa kanilang unang dalawang duwelo, ang  pinakahuli ay nangyari sa huling araw ng eliminations, 25-23, 25-23, 25-18.

Natapos ng Grow-ling Tigers ang eliminations sa rekord na 6-8 upang magkasya sa pang-apat na puwesto at muling makabalik sa playoffs matapos hindi makaabot noong Season 78, habang nasungkit naman ng Tamaraws ang pangatlong puwesto sa kartang 8-6 para muling tumungtong sa semis matapos ang dalawang taon.

Inaasahan ng FEU na magiging mas handa ang UST sa kanilang laro, ngunit hindi magpapatinag ang kanilang mga key players sa pamumuno ni Greg Dolor kasama sina John Paul Bugaoan, Richard Solis at Jude Garcia para magpatuloy pa ngayong season.

Kakailanganin namang ibigay lahat nina Jerico Jose, Tyrone Ca-rodan, Andrei Medina, at Timothy Tajanlangit para sa UST upang sa wakas ay makaisa na si-la sa FEU ngayong taon sa kanilang pinakamahalagang laban.

Makakalaban ng magwawagi ang se-cond seed na National University, hawak ang kanilang ‘twice-to-beat’ advantage sa Abril 23 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Mag-uumpisa naman ang Final Four ng wo-men's division sa dara-ting na Sabado sa Smart Araneta Coliseum kung saan magtutuos ang nagdedepensang La Salle Lady Spikers at UST Tigresses.  FMLumba

 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with