^

PM Sports

Cignal-San Beda puntirya ang outright semis slot

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Puntirya ngayon ng Cignal-San Beda na kunin ang unang automatic semis slot sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa kanilang salpukan ng Jose Rizal University sa Ynares Arena sa Pasig.

Magsisimula ang laro sa ganap na alas-5:00 ng hapon, kasunod ng labanang Wangs Basketball at Blustar Detergent sa alas-2:00.

Pormal na nakapasok ang Cignal sa quarterfinals ng torneo matapos talunin at tanggalin sa playoff contention ang Victoria Sports-MLQU sa iskor na 83-68 noong Martes na naglapit sa kanila sa semis.

Subalit kakailanganin nilang daanan ang JRU, na galing sa pinakamalaking panalo ng eliminations matapos ibigay sa Racal ang kanilang unang pagkatalo noong Lunes, 77-75 na siyang nagpataas sa kanilang tsansang makapasok ng quarterfinals.

Aasahan ang bigay-todong performance mula kina Robert Bolick, Jason Perkins, Byron Villarias, Javee Mocon at Pamboy Raymundo para magbi-gay-daan sa pag-abante ng Hawkeyes sa semifinals.

Haharapin sila nina Teytey Teodoro, Paolo Pontejos at John Ambuludto ng Heavy Bombers na gusto pang habulin ang twice-to-beat na incentive na makukuha ng nasa pangatlo at pang-apat na puwesto pagkatapos ng elimination round.

Samantala, nahaharap sa isang must-win na sitwasyon ang Wangs na may 2-5 na rekord kontra sa wala pang panalong Blustar na laglag na rin sa playoffs.

Kailangang maipanalo ng Couriers ang kanilang huling dalawang laro sa eliminations upang mabuhay ang kanilang tsansa sa pang-anim na puwesto at dumiretso sa quarterfinals. (FML)

vuukle comment

PBA D-LEAGUE ASPIRANTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with