^

Police Metro

Flashflood: 50,836 katao apektado sa CARAGA, Northern Mindanao

COMMONSENSE - Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patuloy na nararanasan ang matinding mga pag-ulan sanhi ng Low Pressure  Area at tail end of the cold front na nakaapekto sa aabot na sa 12,000 pamilya o kabuuang 50,836 katao sa Northern Mindanao at Caraga Region, ayon sa ulat kahapon.

Dahil naman sa matinding epekto ng flashflood, isinailalim na sa state of calamity ang La Paz at Esperanza sa Agusan del Sur kung saan 62 barangay ang binaha na nakaapekto sa 10,385 pamilya na inilikas sa mga evacuation centers.

Sa ulat ni Army’s 4th Infantry Division Chief Major Gen. Benjamin Madrigal Jr., nasa 400 sundalo ang kaniyang idineploy mula sa 401st Infantry Brigade upang magsagawa ng  humanitarian assistance and disaster relief operations sa mga apektadong lugar sa CARAGA Region.

Kabilang dito ay ang mga lalawigan ng Agusan del Norte, Agusan del Sur at Butuan City. Nasa 300 namang sundalo ang minobilisa sa mga lalawigan ng Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Islands. Libong pamilya rin ang inilikas mula sa 11 barangay sa Valencia City sanhi ng pag-apaw ng Pulangi River.

Magugunita na sa mga pagbaha sa mga apektadong lugar sa Mindanao at Visayas Region ay nasa 18 katao na ang iniulat na nasawi .

vuukle comment

MALACAñANG-D5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with