^

Police Metro

6 Tulak bulagta sa shootout, AWOL na parak tiklo

GOTCHA - Ludy Bermudo, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bumulagta ang tatlong pinaghihinalang tulak ng illegal na droga matapos na manlaban sa mga ­operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na shootout sa lungsod ng Maynila at Caloocan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng MPD Homicide Section, bandang alas-11 ng gabi ng kumasa sa buy bust operation sa Tondo, Manila ang tatlong tulak na nasawi sa insidente.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina George Yap, 42, ng Batangas St.,  Kim Alyson Ocenar, 21, ng Ugbo St. at John Jezreel David, 21, ng Magsaysay St., pawang ng Tondo, Maynila.

Nakipag-deal ang poseur buyer ng mga operatiba na si PO1 Eduardo Lacson na bumili ng P500 halaga ng shabu sa mga suspek pero nakatunog ang mga ito sa operasyon na nauwi sa shootout na ikinamatay ng mga ito. Nakumpiska sa ope­rasyon ang isang cal. 9 MM, dalawang cal. 38 at limang  plastic sachet ng shabu.

Samantala, patay rin ang tatlo pang tulak habang arestado naman ang nag-AWOL na pulis sa Quezon City sa anti-drug bust operation sa Caloocan City kamakalawa bandang alas-8:30 ng gabi. Napaslang sa ope­rasyon ang mga suspect na sina Reynaldo Matias, 55; Jessie Ludwig 35 at Jeffrey Cruz, 44 anyos.

Nasakote rin sa ope­rasyon ang AWOL na pulis na si PO1 Erwin Vasquez na iniimbestigahan pa sa kasong kriminal kaugnay ng illegal drug trade na umano’y kinasasangkutan nito.

vuukle comment

AWOL NA PARAK TIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with