^

Metro

Malaysian, timbog sa 4.6 kilo ng cocaine

COMMONSENSE - Butch M. Quejada, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Malaysian, timbog sa 4.6 kilo ng cocaine
Prinisinta ng mga Customs offi­cials sa NAIA terminal ang nasamsam na 4.6 kilos ng cocaine sa isang pasaherong Malaysian.
Rudy Santos

MANILA, Philippines – Natimbog sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) Terminal 1 ang isang Malaysian national na nakuhanan ng 4.6 kilos na high-grade cocaine na nakasiksik sa mga lata ng tsokolate matapos itong dumating, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Manila International Airport general manager Ed Monreal, ang suspek na isang Nasiruddin Bin Mohammad Hasnan, 22.

Ayon kay Monreal, nakuha ang mga kilo-kilong cocaine na nakalagay sa 216 pirasong malalaking chocolate pellets.

Sinabi ni NAIA Monreal, na  mino-monitor na sa airport ang pagdating sa bansa ng suspek.

Bago ikinasa ang operasyon, nakatanggap ng tip ang DITG mula sa United States Drug Enforcement Agency hing­gil sa pagdating sa bansa ng isang drug courier lulan ng Ethiopian Airlines flight ET628.

Ang suspek ay inilipat sa PDEA para sa isang masusing imbestigasyon at sasampahan ng kaukulang kaso sa Pasay City Prosecutors Office.

vuukle comment

COCAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with