^

Metro

Dayo na bebot, itinumba

GOTCHA - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Dayo na bebot, itinumba
Ang isang dayo na bebot na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem sa Singalong St. sa Malate, Maynila.
Joven Cagande

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang hindi pa nakikila-lang babae nang pagbabarilin ng riding-in- tandem sa Singalong St., Malate, Maynila, ka­hapon ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima sa edad na 22 hanggang 26, nasa 5” ang taas, balingkinitan, morena, na nakasuot ng blouse na itim at shorts na maong, itim na sapatos. Nagtamo ito ng maraming tama ng bala sa mukha at katawan.

Hindi pa tukoy ang pagkilanlan ng mga suspek na tumakas  sakay ng hindi napla­kahang motorsiklo.

Sa ulat ni SPO3 Mil­bert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:15 ng mada-ling araw nang maganap ang pamamaril sa madilim na bahagi ng Singalong St., malapit sa panulukan ng Quiri-no Avenue.

Hindi umano kilala  sa lugar ang biktima, ayon sa nakasasakop na si Chairwoman Cathe­rine Gotoc, ng Brgy. 688, Zone 75.

Hindi naman tina-ngay ng mga suspek ang dalang paper bag ng biktima na may laman na iPhone 6, make-up, susi, panyo at P290 cash. Maging ang bag ay butas sa tama ng bala, subalit may ilang gamit umanong kinuha sa biktima ang mga suspek bago tumakas.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with