12 katao timbog sa buy-bust sa QC
MANILA, Philippines - Arestado ang 12 katao na sangkot sa iligal na droga makaraan ang walang humpay na anti-drug operation ng Quezon City Police District
(QCPD) sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod kamakalawa.
Sa ulat kay QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T Eleazar ng La?oma Police Station (PS-1) dakong alas-7:00 ng gabi sa may #5 Don Manuel St., 9 Kaingin Road, Brgy.?polonio Samsom kung saan naaresto ang suspek na si Michael Espiritu Santo, 35, Roberto? Murillo, 39 Jerome Barimbao, 25, mga residente sa Brgy. Apolonio Samsom.
Dakong alas 7:00 ng gabi rin ng maaresto sa isang buy-bust operation ng Masambong Police Station (PS-2) sa kahabaan ng EDSA, Brgy.? Philam, ang mga?uspek na sina Felicidad Colis,? 42 , Ralph? Anthony Ramanos, 25, Aaron Almeria, 36 Dennis Morales, 43 at Ramiro Flores, 42, pawang mga residente ng Bago Bantay, Brgy. Ramon Magsaysay.
Samantala, ganap na alas-9:39 ng gabi nang madakip din sa buy-bust operation sa kahabaan ng? EDSA malapit sa kanto ng? West?ve. ang mga suspek na sina Eduardo Ochenta, 52 , Freddie? Davacol, 42, King? Gomez, 32 at Rowena? Canlas, 32.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kinakaharap ngayon ng mga suspek.
- Latest