^

Police Metro

Solon na may mining firm pinag-i-inhibit sa CA

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Dapat mag-inhibit ang ilang kongresista na miyembro ng Commission on Appointments na may-ari ng mining firms kapag isinalang na sa kumpirmasyon si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ito ang iginiit kahapon ni Senator JV Ejercito na bagaman walang tinukoy na pangalan ay dapat anyang magkusa na lamang ang mga solons na mag-inhibit kung sila ay may koneksiyon sa mining.

Naniniwala si Ejercito na hindi  magandang tingnan  at hindi makabubuti  sa CA kung kabilang sa boboto laban sa kumpirmasyon ni Lopez ay mambabatas na ang pamilya ay nagmamay-ari ng isa sa malaking mi­ning company.

Sa oras anya na walang sinumang magboluntaryo na mag inhibit ay siya na mismo ang mananawagan sa CA hearing.

Iginiit din ni Ejercito na sa tingin niya, ang mga mambabatas na may mining company ay nasa posisyon  hindi para maglingkod sa kanilang constituent  kung hindi para magbigay ng proteksiyon sa kanilang negosyo.

Matatandaang katunggali sa politika ng mga Ejercjto  ang pamilya ng mga Zamora sa San Juan na sinassbing mayroon ng mining company.  

vuukle comment

GINA LOPEZ.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with