^

Bansa

Bunganga ni Duterte ‘di babaguhin sa 2017

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bunganga ni Duterte �di babaguhin sa 2017
Sa isang panayam sa telebisyon kamakalawa, sinabi ng Pangulo na si­mula noong siya ay maging pulitiko ay hindi siya natalo sa eleksiyon at hindi niya iniba ang kanyang bunga­nga maliban na lamang noong nanalo siyang presidente dahil bago pa lamang siya sa posisyon.
File photo

MANILA, Philippines – Ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang maaasahang pagbabago ang mga mamamayan sa bunganga o istilo ng kanyang pananalita ngayong 2017 kung saan may kasamang pagmumura ang kanyang mga talumpati.

Sa isang panayam sa telebisyon kamakalawa, sinabi ng Pangulo na si­mula noong siya ay maging pulitiko ay hindi siya natalo sa eleksiyon at hindi niya iniba ang kanyang bunga­nga maliban na lamang noong nanalo siyang presidente dahil bago pa lamang siya sa posisyon.

“Naging vice mayor ako, naging mayor ako, naging congressman ako, naging Presidente ako, ni minsan hindi ako natalo ng eleksyon. Ni minsan hindi ko iniba ang bunganga ko. Except for this presidency now, kasi bago lang eh,” anang Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo sa loob ng nasa 24 taon niya bilang pulitiko, hindi niya binago ang kanyang bu­nganga at nakakapagmura rin siya maging sa harap ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong gawin siyang consultant

“All these years, 23, 24 years mayor ako, tapos congressman, hindi ko binago ang bunganga ko. Pati dito noong ipatawag kami ni Presidente Arroyo, I used to work for her eh. Remember, I was her consultant on law and order. She used to call us at that time. Pagka hindi kami nagkakaintindihan, nagmumura ako. In front of the President, gumaganon ako,” anang Pangulo.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa tanong na kung hindi ba ito nanghihinayang na nagiging counterproductive sa kanyang popularidad ang kanyang mga sinasabi na posibleng maging dahilan para ma-turn off ang mga investors.

Sinabi ng Pangulo na sa tingin nito ay hindi mati-turn off ang mga investors dahil mas mahalaga sa mga ito kung papaano sila kikita kaysa sa kanyang bunganga.

Samantala, inihayag rin ng Pangulo ang kanyang tiwala na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na taon dahil sa pagpasok ng China.

vuukle comment

PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with