^

Para Malibang

Pangalawang Anino (70)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAKATINGIN si Sheila sa bahay-munti ni Roger. Napakaliit nito, walang tamang bubong. Ang mga dingding ay butas-butas na yero. Ang kung ano mang tinutuntungan ng mga paa ay nakadikit sa lupa.

Si Nanette ay hinahayaan lamang ang ina. Siya at ang kanyang mga kapatid ay alam kung sino ang nakatira sa hamak na tirahan.

“Pinag-igib niya tayo ng tubig, Ate Nanette? Pinuno ang napakalaking drum. Pinaghirapan niya.” Sabi ni Natoy na pangalawa sa tatlong anak. Nagbibinata pa lamang ito.

“Ssshhh. Alam na natin ‘yan pero mukhang ayaw ni Inay na pag-usapan kasi masakit sa kanyang marinig o mabanggit man lang ang kanyang pangalan.” 

Ang kanilang ama ay ni hindi nila matawag sa pangalan.

Niya, kanya, siya.

Ang mga anak ni Roger ay ganoon na kalayo ang loob sa kanilang tunay na ama.

SUMAMA ang panahon. Kumulog, kumidlat. Bumuhos ang napakalakas na ulan.

Ligtas sa bahay sina Sheila at mga anak. Dahil kahit hindi malaki ang kanilang tinitirhan, napakatibay nito.

Makakapal ang mga yero. Matitigas ang mga kahoy na sahig at dingding. Walang dapat ipag-alala ang buong pamilya.

Pero panay ang silip ni Nanette at mga kapatid sa siwang ng bintana. Sa tirahan ni Roger.

Malapit na itong dumapa sa lupa. Ang bubong ay inilipad na ng hangin. Na kahit hindi naman bagyo ay malakas pa rin dahil sa tabing-dagat ang kanilang baryo.

Si Sheila ay nagdadasal sa harap ng altar, may hawak na rosaryo.

Natapos ito sa pagrorosaryo, lumapit si Nanette. “Inay ... titiisin ba natin siya? Ang lakas ng ulan, napunit na ho ang munting bahay niya. Hindi na po siya bata, kapag po napulmonya baka hindi na mapagaling.”

Matigas pa rin ang puso ni Sheila. “Ano ngayon ang gusto ninyong gawin?”

“Pasilungin ho natin siya. Bigyan ng pagkain, ‘yung mainit na sabaw. Kasi po tiyak mula noong sumama ang panahon ay hindi pa siya nakakakain.”

Inis na bumuntong-hininga si Sheila. “Bahala kayo kung ano ang gusto ninyong gawin. Basta ako, hindi kikibo. Nirerespeto ko ang awa ninyo sa kanya. Hindi ko kayo pipigilan dahil ama pa rin ninyo ‘yan kahit pa may anak siyang demonya.” ITUTULOY

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with