^

Police Metro

760 Pulis bantay sarado sa simbahan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Bantay sarado sa 760 pulis ng Manila Police District (MPD)  na itinalaga sa Oplan Summer Vacation (Sumvac ) ang mga simbahan sa lungsod ng Maynila kaugnay ng pagdaraos ng Semana Santa simula Abril 9 hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon kay  MPD Director, P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel  ang deployment ng  760 pulis ay bilang tugon sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na maglatag ng  security measure para bigyang seguridad ang publiko na inaasahang dadagsa sa mga simbahan sa lungsod.

Kabilang din sa ibibigay na seguridad ang pag-alalay sa kaligtasan ng mga motorista at commuter na magbabakasyon at lalabas ng Maynila.

 Sinabi ni Coronel, ang mga nakatalaga sa Oplan Sumvac ay may counter-terrorism mission  dahil hindi maaring ipagwalang-bahala ang pagkumpirma ng Philippine National Police (PNP) sa banta na maa­ring maghasik ng panganib ang terrorist cell ng Maute group na nasa Metro Manila.

Samantalang , bukod sa mga unipormadong pulis, may mga nakasuot din ng sibilyan na ipinakakalat sa mga bus terminals, daungan at sa iba pang matataong lugar.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with