^

PSN Opinyon

‘Kuyog sa CA’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakahanap ngayon ng katapat ang mga nasa indus­triya ng pagmimina.    

Kung dati walang pakundangan nila kung bastar­duhin at halayin ang kalikasan kortesiya ng mga naka­­raang administrasyon, ngayon may isa nang Rody Du­terte na sabi nga nila “tarantadong” Presidente. Kayang­ salitain ang kanilang lengguwahe at tapatan ang kani­lang mga katarantaduhan.      

Pero itong mga bumubuo sa Commission on Appointment nakikipagsubukan. Pilit hinaharang ang inilagay ng Presidente sa DENR.    

Kuyog style. Akala siguro nila ganun lang nila kada­ling bastusin ang Presidente. Kung nagawa nilang ilag­lag si Yasay sa DFA, magagawa rin nila ito kay Gina Lopez.     

Hindi nila direktamenteng masabi kay Duterte ayaw nila sa pobreng ale dahil gusto nila tuloy lang ang kani­­lang mga katarantaduhan.        

Wala namang masama sa pagmimina. Basta impor­tante, responsable. Kung nagagawa ng iba ang res­ponsible mining, bakit ang iba hindi?      

Alam at naaamoy ng Presidente, kaya malalakas ang loob ng mga humaharang kay Lopez dahil may mga katsokaran sila sa CA.       

Hindi si Lopez ang kinakalaban ng mga sumusu­ring myembro ng CA. Si Duterte ang kanilang target kasi ayaw nila sa “tarantadong” Presidente.         

Dapat sa mga bumubuo ng CA gisahin din isa-isa. Harap-harapang kilatisin kung sino ang may integridad na umupo dyan at may mga pinangangalagaang interes at motibo.    

Hindi n’yo trabahong magsuri kung sino ang mga karapat-dapat umupo sa gobyerno o hindi. Gumawa na nga lang kayo ng batas mga putok sa buho!   

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa mga palabas ng BMUI, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.  

vuukle comment

INDUS­TRIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with