^

Para Malibang

Sinisiraan ni Mister si Misis

IDAING MO KAY VANESSA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Kinausap ko sa telepono ang babae ng aking asawa. Laking gulat ko na siniraan ako ng sarili kong mister. Pakiramdam ko ay inapakan ang buo kong pagkatao. Sabi raw ng asawa ko na palengkera ako, mataba, at kung anu-ano pa. Hindi ako makapaniwala na itsismis ba naman ako sa babae pa niya. Gusto kong murahin ang asawa ko, kaso baka bumigay ako; kaya idinaan ko na lang sa iyak habang hinarap ko ang mister ko at sabihin sa kanya ang lahat ng panlalait niya sa akin sabi ng kerida niya. Galit pa ang mister ko at sinabing huwag daw akong maniwala. Sobrang sakit ang nararanasan ko ngayon. Kahit ilang beses pa akong amuin ng mister ko. Hirap akong maka-move on hanggang mayroon pa rin akong nakikitang connection mula sa kanyang Facebook, viber, at cell phone. Kahit deleted na pero nag-a-appear pa rin sa kanyang mga link sa social media kaya nalaman ko lahat ng detalye ng naging babae niya.– Sunshine

Dear Sunshine,

Tama na huwag  mong hayaan na tapakan ang pagkatao mo lalo na ng mister mo. Maaaring totoo ang lahat ng sinabi ng kabit niya dahil kung anong itinanim sa isip niya ng lalaki yun ang paniniwalaan ng babae. Bigyan mo ng ultimatum ang asawa mo na tigilan na ang koneksiyon sa babae kung totoo na tapos na sila. Dahil patuloy ka pa rin masasaktan. Hindi naman madali ang mag-move on dahil proseso ito na dapat mong malampasan.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

TELEPONO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with